^

PSN Showbiz

Angel, sama sa pagsisimba tuwing Linggo kina Oyo Boy, Dina at Danica!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung panay ang pagdi-deny ni Nadine Samonte na naging bf niya si Oyo Boy, umamin naman ang aktor sa relasyon nila nang makausap namin sa presscon ng Enteng Kabisote... The Legend Continues.

"Five months din kaming nag-on pero nagkahiwalay din dahil hindi nag-work-out ang aming relasyon. One year naman ang aming relasyon ni Angel at magkasundo kami sa maraming bagay. Kung seloso ako noon ngayon ay hindi na dahil malaki ang tiwala namin sa isa’t isa," ani Oyo.

Tuwing Linggo ay kasama nila ng kanyang mommy at kapatid sa pagsisimba si Angel Locsin. Nagpa-convert na rin yata ito sa pagiging born-again christian gaya ng pamilya ni Oyo.

"Sana nga si Angel na ang makasama ko habang buhay pagdating ng panahon na gusto ko nang mag-asawa. Pero hindi pa sa ngayon dahil marami pa akong pangarap na nais matupad," dagdag ni Oyo Boy.
Swerteng Kumbinasyon
Fifteen years nang magkaibigan sina Vic Sotto at Direk Tony Reyes kung saan magkumpare pa ang dalawa. Nagsimula ang tandem nila noong 1990 via Iputok Mo, Dadapa Ako kung saan kumita ito sa takilya.
oni Rose, Kabado Sa First Movie
T Natutuwa kami sa aming kaibigang si Toni Rose Gayda dahil finally, nagkaroon din siya ng pelikula via Enteng Kabisote... The Legend Continues.

Excited ito kaya sa tensyon ay nagba-buckle sa ilang eksena.

"Komportable naman ako habang nagsusyuting dahil para kaming isang masayang pamilya. Halos lahat ng artistang kasama sa movie ay mga kasamahan ko sa Eat Bulaga," sey pa rin ng magandang aktres.
Blind Item: Pati Walis Binabarat Ng Aktres
Nagtungo ng Baguio ang isang sikat na aktres at minsan ay bumili ng walis sa palengke. Nakapili naman siya ng isa at tinanong ang presyo. Nang sabihin ng tindera ang halaga ay agad itong tinawaran ng aktres. Ayaw pa ring ibigay ng tindera dahil lugi raw siya. Walang ginawa ang magandang aktres kundi tawaran ang halaga ng walis.

Mabuti na lang at nakilala ng tindera ang sikat na aktres kaya ibinigay na lang dito ng libre ang walis.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BLIND ITEM

DADAPA AKO

DIREK TONY REYES

EAT BULAGA

ENTENG KABISOTE

IPUTOK MO

LEGEND CONTINUES

OYO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with