Tiyak na magi-enjoy ang mga bata sa Playland kung saan naroon ang mga kilalang cartoon characters tulad nina Snoopy, Charlie Brown, Lucy, Ninja Turles, Precious Moments, Winds, Barbie Doll at Betty Boop pero tiyak na darayuhin ng mga mamimili ang Celebrity Town kung saan 22 sa ating mga sikat na showbiz personalities ang may kani-kanyang booth at personal na mag-aasikaso sa mga customer tulad nina Jolina Magdangal, Dina Bonnevie, Monsour del Rosario, Marco Alcaraz, Aleck Bovick, Cheska Garcia, James Blanco, Jeffrey Hidalgo, Bernadette Allyson, Maritoni Fernandez, Luis Allandy, Danica Sotto, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Tintin Bersola-Babao at Carlo Maceda.
Sa grand opening ng World Bazaar International sa World Trade Center sa darating Huwebes, December 8, ganap na alas-9:30 ng umaga ay inaasahan ang pagdalo ng pinakabagong Miss International na si Precious Lara Quigaman at ang mga ex-housemates ng pinag-uusapang programa ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother.
Ang entrance fee sa World Bazaar International ay P25.00 lamang at itoy bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes at pagdating naman ng Biyernes hanggang Linggo ay bukas ito mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng hatinggabi.
Although ayaw niyang i-reveal ang production cost ng pelikula, ang mahalaga umano ay napaganda nila lalo ang pelikula para sa kasiyahan ng mga manonood.
"Hindi lamang ang mga bata ang target ng pelikula kundi ang buong pamilya. Mas gusto namin na paglabas ng mga manonood sa sinehan ay may baon silang ngiti sa kanilang mga labi dahil nag-enjoy at napasaya sila ng pelikula," lahad ni Vic. Bukod sa mamahaling costumes at sets ng pelikula, ang special effects ay sa Thailand pa ginawa.
Ang Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko...The Legend Continues na dinirek ng box office director na si Tony Reyes ay siyang kaisa-isang comedy-fantasy na kalahok sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.
Nung bata pa si Nicole ay madalas siyang sumasama sa mga tapings ng mommy niya hanggang sa siyay maispatan ni Mr. M. (Johnny Manahan), boss ng ABS-CBN Star Magic (dating Talent Center). Sa Star Network man nagsimula si Nicole, nasa Kapuso network na siya ngayon at siyay kabilang sa SOP Gigsters tuwing linggo ng hapon.