^

PSN Showbiz

Lani Mercado, walang kasalanan!

RATED A - Aster Amoyo -
Non-showbiz ang negosyante at founder ng Worldbex Services International na si G. Joseph Ang pero sadyang malapit ito sa mga taga-showbiz. Itinatag ni G. Ang  ang Worldbex limang taon na ang nakakaraan sa pamamagitan ng taunang World Bazaar International.  Sa taong ito, tiyak na darayuhin ang World Trade Center sa may Roxas Blvd. at Maynila simula sa Disyembre 8 hanggang 16 sa muling pagdaraos ng World Bazaar International kung saan kakaibang attractions at shopping experience ang kanilang ipapakita sa pamamagitan ng Night Market, Celebrity Town, International Village, Playland, Fashion Shows, Musical Shows at Food Court.

Tiyak na magi-enjoy ang mga bata sa Playland kung saan naroon ang mga kilalang cartoon characters tulad nina Snoopy, Charlie Brown, Lucy, Ninja Turles, Precious Moments, Winds, Barbie Doll at Betty Boop pero tiyak na darayuhin ng mga mamimili ang Celebrity Town kung saan 22 sa ating mga sikat na showbiz personalities ang may kani-kanyang booth at personal na mag-aasikaso sa mga customer tulad nina Jolina Magdangal, Dina Bonnevie, Monsour del Rosario, Marco Alcaraz, Aleck Bovick, Cheska Garcia, James Blanco, Jeffrey Hidalgo, Bernadette Allyson, Maritoni Fernandez, Luis Allandy, Danica Sotto, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Tintin Bersola-Babao at Carlo Maceda.

Sa grand opening ng World Bazaar International sa World Trade Center sa darating Huwebes, December 8, ganap na alas-9:30 ng umaga ay inaasahan ang pagdalo ng pinakabagong Miss International na si Precious Lara Quigaman at ang mga ex-housemates ng pinag-uusapang programa ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother.

Ang entrance fee sa World Bazaar International ay P25.00 lamang at ito’y bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi mula Lunes hanggang Huwebes at pagdating naman ng Biyernes hanggang Linggo ay bukas ito mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng hatinggabi.   
* * *
Buong pagmamalaking ibinalita ng TV host-comedian-producer at MMFF Box Office King na si Vic Sotto na ang Enteng Kabisote 2: Okay Ka, Fairy Ko, The Legend Continues ay mas lalo nilang pinalaki at pinaganda in terms of cast at production values. 

Although ayaw niyang i-reveal ang production cost ng pelikula, ang mahalaga umano ay napaganda nila lalo ang pelikula para sa kasiyahan ng mga manonood.

"Hindi lamang ang mga bata ang target ng pelikula kundi ang buong pamilya. Mas gusto namin na paglabas ng mga manonood sa sinehan ay may baon silang ngiti sa kanilang mga labi dahil nag-enjoy at napasaya sila ng pelikula," lahad ni Vic. Bukod sa mamahaling costumes at sets ng pelikula, ang special effects ay sa Thailand pa ginawa.

Ang Enteng Kabisote 2:  Okay Ka Fairy Ko...The Legend Continues na dinirek ng box office director na si Tony Reyes ay siyang kaisa-isang comedy-fantasy na kalahok sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.
* * *
Maganda ang commercial model-turned actress na si Marian Rivera na ipinapakilala sa Enteng Kabisote 2.  Siya ang love interest dito ni Oyo Boy Sotto. Aminado si Marian na madali umanong mahalin si Oyo. Bukod kasi sa mabait ay magalang umano ito. Kung nagkataon lang daw na walang Angel Locsin si Oyo Boy at nanligaw umano ito sa kanya, hindi raw malayong mainlab siya sa binata ni Vic Sotto.
* * *
Sang-ayon kami sa sinabi ni Ronald Constantino na beauty queen material ang young star na si Nicole Anderson, ang kaisa-isang anak ng beauty-queen -turned actress na si Jean Saburit pero ang problema nga lamang ay walang balak si Nicole na sumali kahit sa anong beauty contest.

Nung bata pa si Nicole ay madalas siyang sumasama sa mga tapings ng mommy niya hanggang sa siya’y maispatan ni Mr. M. (Johnny Manahan), boss ng ABS-CBN Star Magic (dating Talent Center).  Sa Star Network man nagsimula si Nicole, nasa Kapuso network na siya ngayon at siya’y kabilang sa SOP Gigsters tuwing linggo ng hapon.
* * *
Kawawa naman si Lani Mercado. Dumating lamang siya sa presscon ng kanyang mister na si Sen. Bong Revilla para suportahan ang asawa ay siya pa ang nasisi nang siya’y pagkumpulan ng mga TV crew para interbiyuhin. Kung tutuusin, walang kasalanan si Lani.  Nagkataon lang na kararating lang niya noon sa Ratsky (Tomas Morato) nang biglang sa kanya magsipuntahan ang mga TV crew.  Nagkataon naman na ongoing ang presscon kaya parang naagawan ni Lani ng attention ang nasabing presscon na nagkataon pang presscon ng pelikulang Exodus na pinagbibidahan ni Bong.
* * *
[email protected]

vuukle comment

CELEBRITY TOWN

CENTER

ENTENG KABISOTE

LEGEND CONTINUES

SIYA

WORLD BAZAAR INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with