" />
^

PSN Showbiz

Jennylyn, galit kay Jimmy Bondoc!

- -
Galit na galit si Jennylyn Mercado kay Jimmy Bondoc at sa kampo nito dahil sa mga iniimbentong salita na kesyo nagkausap daw sila ni Jimmy na magi-guest sa nakaraan niyang album launching na ginanap sa Music Musem.

Ayon mismo kay Jennylyn, totoong sinabihan siya ni Jimmy ng "Mag-guest ka naman sa launching ng album ko," na hindi raw sinagot ng dalaga dahil nga dapat sa GMA Artist Center magpaalam si Jimmy.

Nangyari raw ang usapang ito nung nagkita sila sa Bicol several weeks ago nung pareho silang may show.

"Walang confirmation from Jennylyn kasi nga may manager siyang dapat  pagpaalaman ni Jimmy," say ng kampo ng dalaga.

Hindi rin daw totoo ang kwento ng kampo ng singer na kesyo nag-rehearse pa si Jennylyn sa bahay ng kaibigan ni Jimmy para sa song number niya, "Paano mangyayari ‘yun, e, hindi nga pumayag si Jennylyn na mag-guest at saka sinong kaibigan niya?" dagdag tanong pa.

Nabanggit din daw ni Jennylyn na panay ang text ni Jimmy sa kanya para makipagkaibigan at iniimbita siyang manood sa show nito sa Bagaberde sa Roxas Boulevard na pinagbigyan ni Jennylyn dahil nagkaroon siya ng break sa taping ng Etheria.

"Kasama niyang manood ‘yung kaibigan niyang dalawang bakla, kaya nagtataka siya at may nasabit pang lalaki raw na ka-holding hands niya, e, wala naman," kuwento pa.

At dahil sa isyung Jimmy Bondoc ay nakatakdang magpa-interview si Jennylyn sa lahat ng talk show para matapos ang isyu dahil ayaw niyang nasasabihan siyang sinungaling. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ARTIST CENTER

AYON

BAGABERDE

BICOL

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JIMMY

JIMMY BONDOC

MUSIC MUSEM

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with