Uso ang pagti-tiangge sa mga artista
December 3, 2005 | 12:00am
Nung Huwebes ng umaga naimbita ako sa pagbubukas ng Pamaskong Tiangge ng mga Artista sa Marketplace Shopping Mall sa Kalentong Mandaluyong City. Ang tiangge ay tatagal hanggang sa Disyembre 31. May stall dun sina Niño Muhlach, Almira Muhlach, Alma Concepcion, Lovely Rivero, Efren Reyes, Ramon Zamora, Marithez Samson, Kookoo at Katrin Gonzales.
Mga pabango ang tinda ni Alma, mga laruan naman ang kay Marithez, damit at accessories ang nasa stalls ng magkapatid na Kookoo at Katrin, gayundin kay Almira at Efren.
May kanya-kanya rin sila ng istilo ng pagdidisenyo ng kanilang booth at mayron din silang mga tindang sapatos bags at novelty items.
Ang Marketplace Shopping Mall ay may apat na sinehan, bowling center, maraming kainan, amusement centers. Meron din itong public market at Sogo Daily Hotel.
Nag-enjoy ako ng husto sa concert na pinrodyus at dinirek ng kasamang Jobert Sucaldito sa Klownz Araneta. Di ko lang alam kung sino talaga ang main attraction, si Arnelli Ignacio ba o ang baguhang si Tara Tambunting na kabagu-bago pa lamang ay napaka-galing nang mag-perform. O ang Raging Divas na kumain ng maraming oras ng concert dahilan sa marami nilang numbers.
Medyo disappointed lang ako dahil di sineryoso ni Arnelli yung number niya with the Nocturne Choir. Okay nang binabasa niya ang kinakanta niya pero di okay sa akin yung minsan ay di nila pagkakaron ng blending ng grupo.
Champion talaga itong si Aiai delas Alas. Nakakatawa talaga. I believe she made my day.
Gulat ako na nakakakanta pala sina Racquel at Bob ng Pinoy Big Brother. Nag-ambag sila ng tig-dalawang kanta sa concert. Pinagkaguluhan si Sam nang dumating ito. Di ka na tuloy maka-concentrate sa panonood dahil lahat gusto magpakuha ng picture sa kanya. Parang di naman focused si JB, parang may ibang iniisip (si Say?). Suplado ba siya o indifferent lang?
Si Bob guwapo pala, matangkad at magaling kumanta. Pero, pinakamaganda ang PR ni Racquel. Titser talaga ang dating at masarap na kausap.
Salamat nga pala kay Jobert sa tiket, sa food at sa pang-gasolina.
Hindi naniniwala ang Studio 23 na direktang magka-kumpitensya sila ng QTV11. Target daw ng Ch. 11 ay mga babaeng viewers, sila lahat, mula bata hanggang matanda, babae, lalaki at yung mga in between. Kung ang karamihan daw ng palabas ng sinasabing kalaban nila ay mga local shows, sila, bukod sa mga local shows ( Y Speak, Pinoy Big Brother, F, Nginiiig, Breakfast, Sports TV, D-Tour at Wazzup Wazzup) hit ang mga palabas nilang imported na sinasabi nilang the best of what world TV has to offer ( Lost, Oprah, Desperate Housewives, CSI. Charmed, Will & Grace., Gilmore Girls, Alias, Survivor, The Amazing Race at marami pang iba).
Bagaman at isinilang ang Studio 23 bilang isang bagong channel na layuning mapagsilbihan yung mga manonood nito na naghahanap ng foreign shows, sa pagdaraan ng mga taon, it has emerged as the countrys top network for canned programming, free-tv cable alternative na superior ang mga palabas sa ibang cable networks.
Kamakailan ay ipinagdiwang ng Studio 23 na may slogan na Ka BARKADA Mo ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang street party & concert na pinamagatang Baybreak 2005. Ginanap ito sa baywalk ng Roxas Blvd. Nanood dito ang mahigit kumulang sa 100,000 na tao at nag-perform ang pinaka-maningning at mahuhusay na banda at mga artista ng Studio 23. Kinailangang ang suporta ng Manila City government para masarhan ang malaking bahagi ng Roxas Blvd. Para sa Baybreak at para madala ang lahat ng mga artista ng Studio 23 at mga kalahok sa concert.
Mga pabango ang tinda ni Alma, mga laruan naman ang kay Marithez, damit at accessories ang nasa stalls ng magkapatid na Kookoo at Katrin, gayundin kay Almira at Efren.
May kanya-kanya rin sila ng istilo ng pagdidisenyo ng kanilang booth at mayron din silang mga tindang sapatos bags at novelty items.
Ang Marketplace Shopping Mall ay may apat na sinehan, bowling center, maraming kainan, amusement centers. Meron din itong public market at Sogo Daily Hotel.
Medyo disappointed lang ako dahil di sineryoso ni Arnelli yung number niya with the Nocturne Choir. Okay nang binabasa niya ang kinakanta niya pero di okay sa akin yung minsan ay di nila pagkakaron ng blending ng grupo.
Champion talaga itong si Aiai delas Alas. Nakakatawa talaga. I believe she made my day.
Gulat ako na nakakakanta pala sina Racquel at Bob ng Pinoy Big Brother. Nag-ambag sila ng tig-dalawang kanta sa concert. Pinagkaguluhan si Sam nang dumating ito. Di ka na tuloy maka-concentrate sa panonood dahil lahat gusto magpakuha ng picture sa kanya. Parang di naman focused si JB, parang may ibang iniisip (si Say?). Suplado ba siya o indifferent lang?
Si Bob guwapo pala, matangkad at magaling kumanta. Pero, pinakamaganda ang PR ni Racquel. Titser talaga ang dating at masarap na kausap.
Salamat nga pala kay Jobert sa tiket, sa food at sa pang-gasolina.
Bagaman at isinilang ang Studio 23 bilang isang bagong channel na layuning mapagsilbihan yung mga manonood nito na naghahanap ng foreign shows, sa pagdaraan ng mga taon, it has emerged as the countrys top network for canned programming, free-tv cable alternative na superior ang mga palabas sa ibang cable networks.
Kamakailan ay ipinagdiwang ng Studio 23 na may slogan na Ka BARKADA Mo ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng isang street party & concert na pinamagatang Baybreak 2005. Ginanap ito sa baywalk ng Roxas Blvd. Nanood dito ang mahigit kumulang sa 100,000 na tao at nag-perform ang pinaka-maningning at mahuhusay na banda at mga artista ng Studio 23. Kinailangang ang suporta ng Manila City government para masarhan ang malaking bahagi ng Roxas Blvd. Para sa Baybreak at para madala ang lahat ng mga artista ng Studio 23 at mga kalahok sa concert.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am