Magkano ang mga billboards sa Edsa?
December 2, 2005 | 12:00am
Mag-iisang taon na pala ang apo nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado kay Jolo Revilla na si Jose Gabriel Bautista next month at umaasa silang magiging maayos na ang lahat sa pagitan ng pamilya ni Jolo at ng mommy ni Grace Adriano na si Rosanna Roces.
Aminado si Bong na hindi pa sila nagkakausap ni Rosanna, pero alam niyang darating ang araw na maaayos ang lahat alang-alang sa apo nilang si Gab.
"Excited na nga si Jolo na umuwi, sabik na siyang makita ang anak niya, mga December 20 nandito na siya," say ni Bong sa presscon ng Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom mula sa Imus Productions at Reality Entertainment.
Say din ng magandang asawa ni Bong na si Lani, "Since Christmas is fast approaching, wish naming pamilya is matapos na ang gusot between us and Graces (Adriano) mom. Start a new life, forget everything."
Samantala, target ni Bong na pang General Patronage ang Exodus, pero may kissing scene sila ni Iya Villania na masasabing intimate kayat okey na rin na maging Parental Guidance ito.
Remember Hanni Miller?
Bongga siya dahil kahanay na rin niya ang mga malalaking personalidad sa showbiz dahil magkakaroon na raw siya ng malaking billboard sa Edsa courtesy of IJ Magic Cream bilang endorser.
Nakakatuwa ang mga naglalakihang billboards ngayon na nakikita sa mga national highways dahil parang mga kabuteng nagsusulputan ang mga kilala at hindi kilalang personalidad ng bansa, gusto na tuloy naming isiping lima singko na ang halaga ng pagpapa-display ng billboard, pero ang totoo ay hindi dahil isangdaang libong piso ito kada-araw at depende pa sa puwesto.
Ayon sa ipinadalang press release sa amin ni Richard Hinola (manager ni Hanni) ay propesyunal si Hanni dahil graduate siya ng kursong Physical Therapy at naging Ms. Laguna at Ms. Southern Tagalog nung 2002.
Singer daw si Hanni at ito ang pinagkakaabalahan niya nung nawalan siya ng projects dahil nga nabibilang siya sa sexy stars at naging maganda naman daw ang nangyari dahil sa ibat ibang bansa pa siya kumakanta kasama ang sariling banda at dito siya nakita ng may-ari ng IJ Magic Cream at kinuhang endorser na originally ay produkto ito ng Saudi Arabia.
Iritableng ikinukuwento sa amin ng staff ng GMA 7 na rumaraket sa QTV 11 na nagpa-power trip daw ang ilang bossing ng QTV dahil masyado na raw silang hinihigpitan sa oras na wala namang dahilan at pinamimili na rin daw sila ng trabaho.
Halos lahat kasi ng staff ng QTV, may mga shows na hawak sa GMA 7 at raket lang talaga yung sa QTV.
"Aminado naman ang QTV na wala pa silang pondo kaya pinakikiusapan nila yung ibang staff ng GMA na rumaket sa kanila na mas mababa nga ang suweldo.
"Aba, ngayong maganda ang feedback sa lahat ng programa at dahil number 3 na ang QTV, e, nagmamaganda na yung ibang bossing, pinamimili na kaming mga staff kung saan kami, kung GMA ba o QTV, dapat daw may exclusivity, hello sino ba ang nakiusap na tumulong kami, hindi naman yata tama na papiliin kami in the first place, magkano lang ba binabayad nila sa amin?" dire-diretsong kuwento pa sa amin.
Nabanggit pa na karamihan pala ng staff ng QTV ay galing daw ng ABS-CBN, kasama na ang ilang bossing ng bawat show. REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended