Reese Witherspoon, sa isa pang feel good movie!

Sa Hollywood, isa sa pinakasikat na aktres sa kasalukuyan ay walang iba kundi si Reese Witherspoon. Kahit dito sa ‘Pinas ay marami na siyang tagahanga. Nakilala si Reese sa mga di malilimutang karakter na minahal ng mga manonood at pinuri ng mga kritiko. Ilan sa mga ito ay ang Legally Blonde 1 & 2, Sweet Home Alabama, Pleasantville at Cruel Intentions. Ngayon, lalo siyang mamahalin sa nakakaaliw at nakakakilig na pelikulang Just Like Heaven.

May pantasya, romansa at komedya, isa itong napakasayang pelikulang hindi lang pang-bagets, pang-lover kundi pang-young at hearts pa. Leading man ni Reese ang guwapong aktor na si Mark Ruffalo. Sa direksyon ito ni Mark Waters na siya ring may gawa ng mga nag-hit sa takilyang Mean Girls at Freaky Friday.

Mula sa Dreamwork Pictures at release sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. ZAR BAISAS

Show comments