Nag-react si Doc Manny sa sinabi ng aktres na dalawang beses siyang pumunta sa klinika. Aniya, base sa patients record mula noong 2002 ay maraming beses itong nagpa-skin treatment at nagpa-hair remover at pati si Raymart Santiago ay kailangan bumalik para sa lipodissolve session.
Maraming nagtataka sa paglitaw ni Dra. Vicki Belo sa isyu. Nagtatanong sila kung may kinalaman ito sa "gulo". Di pwedeng di niya alam na endorser ng Calayan SurgiCenter ang aktres dahil noong nasa ASAP pa ito ay palagi itong nagti-thank you kay Dra. Pie Calayan. Nakakatawa dahil siya mismo ang nagsabing limang taon niyang "kinumbinsi" ang aktres na lumipat sa kanya.
Pahayag pa ni Claudine na kaya niya tinanggap ang offer ay dahil naririndi na siya sa mga intriga sa kanya kay Dr. Calayan. Ito umano ang deciding point para pumayag itong maging endorser ng Belo.
Di naman kawalan kung di magiging ninong at ninang ang mag-asawang Calayan kahit pumayag sa kanila si Raymart pero dapat malamang kumpirmado na kasama sila dahil mismo ang aktres ang nag-text kay Dra. Pie na magkakaroon ng special day ang mga ninong at ninang.
Sa huling pananalita ni Dr. Calayan ay wala siyang gagawing legal action laban sa aktres. Kung lumantad siya ngayon ay dahil kailangan nitong idepensa ang sarili sa mga pahayag ng aktres na puro malayo sa katotohanan. ALEX DATU