Hindi pa man ipinalalabas ang Exodus: Tales From the Enchanted Kingdom, na magkatulong na iprinodyus ng Imus Productions Inc., ang movie outfit ng magkakapatid na Bong, Rowena, Andrea, Diane, Strike at Reality Entertainment, ang sariling kumpanya naman ng anak ni Mother Lily na si Dondon Monteverde, sa tulong pa rin ng Enchanted Kingdom ay nabili na ito ng mga bansang Macao, Hongkong at China making the film na nasa direksyon ni Erik Matti international and global.
Sulit na sulit ang naging pagod ni Bong Revilla na bukod sa pangunahing artista ng pelikula ay isa pa rin sa mga producers nito.
"Sa mahigit sa isang libong pelikulang nagawa ko, pinaka-kakaiba ito. Sumakit ang ulo ko habang ginagawa namin ito dahil magastos si Erik. Matagal din siyang mag-trabaho, matagal niya akong pinapaghintay pero, nang mapanood ko ang pelikula, sumaludo ako sa kanya, taas pareho ang kamay kot paa. Talagang maipagmamalaki ang aming pelikula," masayang kwento ni Bong whos sharing stellar billing with JayR, Paolo Bediones, Benjie Paras, BJ Tolits Forbes, Aubrey Miles, Iya Villania, Phoemela Barranda at marami pang iba.
Si Bong si Exodus, isang bayarang tagapagtanggol ng isla ng Bantayan, kailangang ipagtanggol niya ito sa salbaheng haring Bagulbol na kontrolado ang mahahalagang elemento na kailangan ni Exodus para magapi ang hari.
Si Paolo ang lider ng siyudad sa ilalim ng lupa, ang natitirang siyudad na gustong lipulin ni Bagulbol. Si Barranda ang reyna ng Exodus na nakikita lamang niya sa pangarap. Si Benjie ang Earth Elemental, Tolits ang Fire Elemental, Aubrey, Air Elemental at Iya, Water Elemental. Sila ang tutulong kay Exodus para magapi si Bagulbol.
P70M ang gastos ng Exodus. Sa Thailand ito ginawan ng post production dahil dun daw ay mas advance ang teknolohiya at pasilidad.
Imported ang fight director from Hongkong na si Phillip Kho na nagdala ng kanyang mga stuntmen.
Di limitado sa motherhood and parenting ang Moms. Tatalakayin din dito ang lahat ng isyu, concern at interes ng may kinalaman sa mga asawa at mga ina, o mga babae in general. Tulad ng mga children as breadwinners. Educational din ito dahil tatalakayin ang sex education para sa mga kabataan, empowering din ito dahil pag-uusapan ang mga kasalanan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Pero, sa ibabaw ng lahat ng ito, gusto lang magpasaya ng Moms at magpangiti ng mga nanay.
"Okay po si Alice, parang nakatatanda kong kapatid. Marami nga ang nagsasabi na marami kaming pagkakatulad. Ang ganda- ganda niya kapag naka-costume ng Ina Magenta, reynang reyna ang dating niya. Sana magkasama pa kami sa ibang projects," ani Kristine.