Si Anne Curtis kahit abala sa Kampanerang Kuba ay naghahanda na para sa pagtatambal nila ni Luis Manzano sa pelikula. Handa na rin para sa release ng DVD version ng kanyang live concert si Sarah Geronimo na pinamagatang The Other Side. Maganda rin ang plano ng VAA sa kanilang bagong baby, ang finalist ng Search For A Star In A Million na si Nikki Bacolod.
Iri-release na rin ang second album ni Rachel Ann Go na pinamagatang "I Care" samantalang patuloy ang pananagumpay ng single ni Mark Bautista, mula sa kanyang "Dream On" album.
Pagkatapos ng Tule, maraming pelikula ang inihahanda para kina Carlo Aquino at Desiree del Valle. Excited na si Carlo sa planong pagtatambal sa kanila ni Maui Taylor at sa pagre-record niya ng album na kasama ang kanyang banda.
Abalang-abala naman ang Viva Hotbabes & Hotmen. Nasa Gulong ng Palad si Andrea del Rosario, host ng PBB si Asia Agcaoili at lead star naman sa sexy musical na Private Parts si Maui.
Para sa booking ng mga VAA artists, tumawag sa 6874569/6876181 loc. 784.
Pormal nang bubuksan ngayong Huwebes, Dis. 1, ang Walk of Fame sa Libis Eastwood. Pangungunahan ito ng may brainchild ng proyekto na si German Kuya Germs Moreno kasama ang mga executives ng Eastwood Libis at mga opisyal ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon.
Busy si Rafael ngayon, host siya ng EClub, bagong dance show sa Studio 23. Mayron din siyang ginagawang stage play, ang Oedipus Rex na mapapanood sa Teatro Marikina at AFP Theater next year. Soon, go siya ng Hollywood, kasama ang winner ng Hollywood Dream ng ABC 5 para sa kanyang Screenwriters Guild Card. Kahit di siya nanalo, proud siya sa kanyang narating sa naturang programa.