Nakita rin namin kung gaano kasaya si Mother Lily at umiindak pa habang kinakanta ang theme song ng Hari ng Sablay pagbabadya lang na kikita ito sa takilya.
Nakakaaliw ang pelikula mula sa simula hanggang sa katapusan kung saan tinalakay ang pagiging malas ni Bearwin na ipinakita sa ibat ibang eksena.
Palabas na ang Hari ng Sablay ngayong Miyerkules, Nobyembre 30.
Gandang-ganda kami sa awiting "Anniversary Nating Muli" ni Marri na bagay sa magsing-irog na naghiwalay bago mag-Pasko. Inawit din nila ang bagong version ng "Whispering Hope" at "Silver Bells Medley".
Magaling nang mag-perform bilang singer si JR na may entry din sa MMFFP ngayong Pasko titled Mga Batang Kalye under Rosas Productions.