Matatandaan na una nang naiyak si Aiai nang ipaghanda siya ni Regine Velasquez sa backstage ng Reflections concert nito dahilan sa birthday niya.
"Ngayon, bukod sa may caterer na, mag-isa lang akong ipinapa-presscon," pagi-emote ng Comedy Concert Queen.
Bale, third Shake, Rattle & Roll movie na ito ni Aiai sa Regal. Sa first, kontrabida ang role niya. Sa 2nd naman, support lang siya pero, dito sa pangatlo, bida na siya.
"Mga pekeng isperitista kami rito nina Rainier (Castillo), Biboy (Ramirez) pero sa huli, totoong nakakita ako ng ispirito," ani Aiai tungkol sa kanyang role.
Sinabi nitong may halong pagdaramdam na okay pa rin ang rating ng kanyang My Juan & Only. "Kaya lamang parang iisa ang programa ng ABS CBN, yung Pinoy Big Brother lang kaya di kami napu-promote. Yun namang ETK (Ek Entertainment), di ko masyadong sine-seryoso, naghihintay na lang ako ng sweldo," dagdag pa niya.
Sinabi nito na in-offer siya ng programa sa QTV pero, di siya pinayagan, na naiintindihan naman niya dahil may kontrata pa siya sa Dos at ang QTV ay sister company ng GMA7.
Last year pa ako sa trabahong ito pero, naging distributor muna ako ng kanilang produkto nung 2002. Tinawagan ako ng kanilang VP for Asia Operations at inalok ng position sa management side. Maganda naman ang alok kaya tinanggap ko. Nakarating na ako sa ibat iba key cities para ipaliwanag kung paano gamitin ang aming produkto. Bago ako nag-artista, naging fitness instructor ako, sports nutritionist kung tawagin.
"Sa amin sa New Image, meron kaming colostrum capsules, tablets at shakes na panlaban sa maraming pangunahing sakit tulad ng arthritis, pneumonia, cancer, bronchitis, leukemia, sinusitis, TB, hepatitis,blood clot, osteoporosis, breast cancer, typhoid fever, migraine at marami pang iba.
"Sa Indonesia, ginagamit din ang aming produkto kontra bird flu. Meron din kaming Aloe Vera products at Noni capsules. Sa amin din yung Powerfill.
"We can really help people na magkaron ng pagkakakitaan, bukas ang aming linya, 6873161/6871440/6877420," masayang sabi ng aktor.