Pero siguro ang unang naiisip ay mga producers, mahal ang album na iyan dahil isipin ninyo, magkano ang royalty noon. Para makumbinsi mo rin naman sina Dingdong at Jessa, kailangan magaganda ang kanta at kung ganoon nga, mahal din ang royalty ng mga kantang iyan. Magastos ang album, pero sigurado ka namang bebenta. Iyan naman siguro ang naisip ng mga producers ng Universal Records kaya namuhunan sila at ipinagawa sa mag-asawa ang album na "Laging Ikaw."
Pinakikinggan namin iyong kanilang album noong isang gabi, at naniniwala kaming hindi magtatagal, iyan ay magiging gold record. Ang masasabi lang namin, magastos ang album, pero sa kabila noon hindi naman itinaas ng Universal Records ang kanilang presyo. Kaya sana naman huwag na kayong bibili ng pirated copies ng plakang iyan. Hindi bale iyong mga plakang puro kalokohan lang eh, wala naman halos puhunan ang mga iyon, lalo na ang kumakanta naman ay puro mga ghost singers lang. Pero iyong album na kagaya ng ginawa nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, makikita mo naman na pinaghirapan nila, at namuhunan nang husto ang mga producers noon. Mga ganyang album ay tama lang na tangkilikin natin.
In short ang showbiz gay ay nagbubugaw hanggang sa Thailand. Hindi naman katakataka dahil ginagawa rin niya rito iyan noong araw pa.