Sa tunay na buhay, wala pang anak si Alice Dixson at napakabata pa nitong magkaroon ng isang anak na kasing edad ni Kristine. Although si Alice ang orihinal na gumanap na Faye sa dating sitcom na Okay Ka, Fairy Ko, sa movie version nitong Enteng Kabisote ay si Kristine na ang gumanap.
Sa Enteng Kabisote.... The Legend Continues ay si Alice naman ang gumanap sa papel na Ina Magenta na unang ginampanan ng yumaong si Charito Solis. Parehong diwata ang mag-inang Ina Magenta at Faye sa pelikula at ang mga diwata ay hindi tumatanda kaya halos parang magkapatid lamang ang hitsura nina Alice at Kristine.
Bukod kina Vic, Kristine at Alice, tampok din sa Enteng Kabisote....The Legend Continues sina Oyo Boy Sotto, Aiza Seguerra, Victor Neri, Jeffrey Quizon, Melanie Marquez, Toni Rose Gayda (sa kanyang kauna-unahang pelikula), Bing Loyzaga, Ruby Rodriquez, Jeffrey Quizon, Jose Manalo at marami pang iba mula sa direkyon ng box office director na si Tony Y. Reyes.
Maganda ang chemistry nina Francine at Kempee sa Bahay Mo Ba To kaya nga siguro na-link ang dalawa at kung saka-sakali mang matuloy ang relasyon ng dalawa, wala naman sigurong magiging problema dahil pareho silang un-attached? Sinabi rin noon ni Francine na hindi umano mahirap mahalin si Keempee dahil napakabait umano nito.
Speaking of Angel, napag-alaman namin na ibabalik ng GMA ang tambalan nina Angel at Richard Gutierrez na nag-click nang husto nang pagtambalin sila sa Mulawin TV series.