Wala na sina Lola Taba at Lolo Pato pero ang tradisyong sinimulan nila ay ipinagpapatuloy ng ikatlong henerasyon ng kanilang mga apo na sina Nerissa Bong Sedano at Pol Cailles sa kanilang bagong establisimyento, ang Seaside Seafood Market na matatagpuan sa Diosdado Macapagal Ave., sa pagitan ng Edsa at Buendia Ave. sa Pasay City.
Ang Seaside Seafood Market ay nakatayo sa isang 15,000 sq. meter sa reclaimed area na kung saan ay matatagpuan ang 12 paluto restaurant, (Aling Tonyas, Igmaan, Julies Ihaw Ihaw, Trinity, Lola Inas, G-Squared, Robbies, Kainan sa Balanghay, Josefinas), anim na bar and restaurant, 6 na kiosk ng bibingkahan, manukan, pizzahan at dimsum, lechonan, hotdogan at lahat ng klase ng balls. Pinili nilang bigyan ng franchise yung mga may 30 taong karanasan sa pagre-restaurant. Mayron din ditong tianggehan (500 stalls), spa at beauty salon, isang leasing corp. At gabi-gabi ay magkakaron ng acoustic entertainment. Nagtayo ng limang stage para lang dito.
Nagkaron ito ng soft opening nung Nobyembre 15 pero sa Disyembre 5, isang mabituin, makulay at masayang grand opening ang masasaksihan.
Bagaman at naka-3rd prize lamang siya nang sumali siya sa Metropop nung 1997, 2nd si Faith Cuneta at champion si Jonard Yonson, nakatulong ito ng malaki para sa kanyang self-confidence.
Ngayon sumusulat na rin siya ng kanta. May dalawa siyang compositions na kasama sa kanyang gagawing fifth album.