Naging guests sila sa isang show sa Mamburao, Occidental Mindoro.
"Dinalhan kami sa kuarto ni Angelica ng isang bilaong pansit courtesy ng Gobernadora. Nasilip ni Via ang pansit gayung sa amin naman ito ibinigay. Mura lang naman yun pero kaya namin dinala ay para i-appreciate ang kabutihang loob ng gobernadora sa amin. Sino kaya sa amin ang mas patay gutom? Regalo sa amin yun kaya lang nasilip pa ni Via. Huwag kang mag-ingay at gumawa ng intriga para lang mapag-usapan," sey pa ni Mommy Beth.
Pero hindi pa rin talaga siya maka-decide. Enjoy si Mariz sa kanyang role bilang tomboy sa Lagot Ka Sa Kuya Ko ng Rocketts Productions. Isa siyang siga na may-ari ng carinderia na madalas niyang suntukin si Ronnie.
Sa kabilang banda, umaasa ang action star na sanay mapili ang kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival for January 1 playdate.
Bukod sa magandang career ay masaya pa rin ang kanyang lovelife kung saan balitang may relasyon ito sa anak ng may-ari ng PingPing Lechon.
Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando na siya ring over-all chairman ng MMFFP na dahil sa kahilingan ng ibang movie production outfits na isali ang kanilang entries sa finished film category ng film festival ay nagkaisa ang executive committee i-extend ang deadline hanggang Disyembre 2 para mabigyan ng sapat na panahon ang mga gustong sumaling movie outfits.
Sa taong ito, ang MMFFP ay hinati ang competition sa dalawang kategorya kung saan ang unang grupo ay binubuo ng pitong pelikula na buhat sa screenplays na isinumite ng mga prodyusers at ang ikalawang grupo naman ay para sa tatlong finished film entries.
Ang naunang mga pelikula na ipalalabas sa December 25 ay: Exocus Tale of the Enchanted Kingdom ng Imus Productions; Mulawin ng GMA Films, Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko, the Legend Continues ng Octo Arts at M-Zet Productions; Kutob ng Canary Films, Ako Legal Wife at Shake Rattle and Roll ng Regal Films.
Ang Blue Moon at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ay di napili sa first batch ng mga entries dahil sa technicalities. Ang Blue Moon ay ilalabas sa second batch of films na ipalalabas mula January 1 hanggang 7 sa susunod na taon.
Idinagdag pa rin ni Chairman Fernando na ang deadline para sa finished pictures ay sa Disyembre 1, 2005 at exactly 5PM.
Ang mga production firms na nagnanais na sumali sa competition ay tumawag sa telepono blg. 8822626 at 8824150 to 70 local 371 at hanapin si Nory Tutay.
Pinalitaw ng aktres na nagbabakasyon lang ang kanyang bf sa Amerika pero hindi na siya babalikan nito matapos piliin ng aktres ang career kaysa sa bf.
Wala ngayong paki ang sexy actress kung ang karelasyon niyang miyembro ng isang banda ay may anak sa ibang babae.