Anak ni Isabel Lopez, gumagawa na ng international movie!
November 23, 2005 | 12:00am
Masayang ibinalita ni Isabel Lopez na ang kanyang anak na si Mara (Star Magic Batch 13) ay nasa New York ngayon gumagawa ng pelikulang Following Rosa, entry sa Sundance Film Festival na itinatag ni Robert Redford.
Ginampanan nito ang papel ni Sel, isang battered child na sampaguita vendor kung saan sa murang edad ay lantad na sa masasamang elemento ng mundo.
Sinusundan ni Mara ang yapak ng ina na isang beauty queen-actress na huling napanood sa Dune Warriors katambal ni David Carradine ng Kill Bill for Roger Coreman.
Si Onemig Bondoc ang bagong co-host ni Angelica Jones sa Chowtime Na, pinalitan nito si Bobby Yan. Tinanong ko ito kung ano ang masasabi niya kay Angelica.
"Masarap katrabaho si Angelica at okey kami dahil very supportive at di kami nagsasapawan. Caring din ito dahil kapag dumating ako sa set ay siya ang nagmi-make-up sa akin minsan. Kahit first time ko siya nakatrabaho ay nag-enjoy agad ako at komportable ako sa aming tandem," anang aktor.
Sinabi pa rin nito na nagsilbing challenge sa kanya ang hosting job dahil kailangan nilang maging buhay na buhay bilang mga TV host at feeling nito ay sa kanila nakasalalay ang show.
Dumating sa puntong naglay-low ang career ni Uno.
"Naging abala kasi ako sa pagma-manage ng aming negosyo gaya ng iskwelahang Benedictine International School sa Quezon City kung saan may 300 kaming enrolees. Isa rin ako sa Board of Directors ng JMB Homesite and Development Company na pinamamahalaan nilang magkakapatid." Si Uno ang panganay sa kanila kaya mas malaking oras ang ginugugol nito sa kanilang business.
Magkakaibigan ang apat na veteran singers. Mayroon silang concert sa darating na Disyembre at front act nila ang isang sikat na grupong singer.
Ang pinaka-leader at pinakamatanda sa magkakasama ang tumatayong lider ng apat. Natanggal ang isa sa apat nang masapawan nito ang tumatayong lider nila. Magaling din itong kumanta at hindi berde magbiro di tulad ng lider nila.
Ginampanan nito ang papel ni Sel, isang battered child na sampaguita vendor kung saan sa murang edad ay lantad na sa masasamang elemento ng mundo.
Sinusundan ni Mara ang yapak ng ina na isang beauty queen-actress na huling napanood sa Dune Warriors katambal ni David Carradine ng Kill Bill for Roger Coreman.
"Masarap katrabaho si Angelica at okey kami dahil very supportive at di kami nagsasapawan. Caring din ito dahil kapag dumating ako sa set ay siya ang nagmi-make-up sa akin minsan. Kahit first time ko siya nakatrabaho ay nag-enjoy agad ako at komportable ako sa aming tandem," anang aktor.
Sinabi pa rin nito na nagsilbing challenge sa kanya ang hosting job dahil kailangan nilang maging buhay na buhay bilang mga TV host at feeling nito ay sa kanila nakasalalay ang show.
Dumating sa puntong naglay-low ang career ni Uno.
"Naging abala kasi ako sa pagma-manage ng aming negosyo gaya ng iskwelahang Benedictine International School sa Quezon City kung saan may 300 kaming enrolees. Isa rin ako sa Board of Directors ng JMB Homesite and Development Company na pinamamahalaan nilang magkakapatid." Si Uno ang panganay sa kanila kaya mas malaking oras ang ginugugol nito sa kanilang business.
Ang pinaka-leader at pinakamatanda sa magkakasama ang tumatayong lider ng apat. Natanggal ang isa sa apat nang masapawan nito ang tumatayong lider nila. Magaling din itong kumanta at hindi berde magbiro di tulad ng lider nila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am