Kasi nga naman sa kasal nila ni Junjun, mga member ng old rich ang guests dahil alam naman nating lahat kung gaano kayaman ang dalawang pamilya. Bukod sa yaman, pareho pang may posisyon sa gobyerno ang mga kapamilya nila at si Junjun, DENR Undersecretary pa.
"Imagine, siguro kung si Diether, baka maraming starlet na guests," comment ng isang veteran writer.
Well, pag talagang writer ka, ang daming anggulong nakikita. Hahaha!
Anyway, kasabihan na kapag umulan sa araw ng kasal, suwerte ang ibig sabihin non. Ganun ang nangyari sa kasalang Andeng/Junjun. Actually, hindi naman talaga siya ulan - sandaling buhos lang na nagkataon namang palabas na ang bagong kasal.
Almost 5:00 p.m. nang mag-umpisa ang seremonya ng kasalan sa Cathedral.
At papunta pa lang si Andeng sa altar, parang naiiyak na siya.
Basag na ang boses ni Andrea habang sumasagot siya sa mga tanong ng celebrant na si Archbishop Gaudencio Rosales. Tears of joy sigurado.
May pagkakataon din na lumilingon si Andeng sa kanyang amang si Senador Ramon Revilla Sr. na parang nagpapaalam pa na nagpapakasal na siya.
Common knowledge sa mga kaibigan ni Andeng na nahirapan siya nong unang mag-decide na tanggapin ang alok ni Junjun na kasal. In fact, nagpatulong pa siya noon sa Kuya Bong Revilla kung paano sasabihin sa daddy niya.
Hindi masyadong showbiz ang affair. Iilan lang ang artista, Pops Fernandez (secondary sponsor), Gretchen Barretto na nag-cover for Startalk, Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin. Present ang ina ng kambal ni Marvin, pero sabi ng isang observer, ni hindi man lang nag-uusap sina Marvin at si Tetet Dy.
Ni hindi man lang nga raw ito magkatabi sa upuan sa simbahan.
Absent naman ang girlfriend ni Bryan Revilla na si Maui Taylor.
Si Rufa Mae at San Juan Mayor JV Estrada obvious naman talagang walang relasyon. Kung may lalabas man silang magkasamang nasa picture ay dahil tinawag sila para magpa-picture together.
At kahit abala siya sa katatapos niyang kasal aba nagagawa pa rin pala nitong si Andeng na mag-isip kung paano na ang promo ng Exodus, Tale of the Enchanted Kingdom, ang MMFF entry ng kumpanya nilang Imus Productions starring her Kuya, Senator Bong Revilla. Siya kasi ang inaasahan ng pamilya pagdating sa Imus Productions.
By the way, sayang at wala si Presidente GMA sa nasabing kasalan. Nasa APEC siya sa Busan, South Korea. Ganundin si ex-President Joseph Estrada for obvious reason.
Congratulations Andeng and Junjun.
Pero last week daw ay nagpakita ito sa Viva kasama ang kanyang mga kinuhang abogado. Pero, wala naman daw gustong tumestigo in favor of him according to my source.
By the way, wala naman palang regular salary sa Viva si Robby although totoong may opisina ito sa nasabing kumpanya ayon sa source.
Sayang ang opinion namin na mas maraming magiging aktibong artista sa organisasyon kung si Herbert ang naging presidente. Kasi dito, naka-base si Herbert, unlike kay Mayor Ejercito na Laguna ang nasasakupan at mayor pa siya. Definitely, mas malaki ang responsibilidad ni Mayor kesa kay Vice.