Sino ang pinaka-magaling na banda sa Pilipinas?
November 22, 2005 | 12:00am
Hindi lamang mga mahilig sa musika ang nag-aabang ng resulta ng NU107 Rock Awards na magaganap sa Disyembre 2 kundi lalo na ang mga musikero ng bansa (banda, tagalikha ng mga awitin, performers) dahil, muling magkakaalaman kung sino ang pinaka-magagaling nating banda sa kasalukuyan.
Bagaman at mayron ding mga labanan ng soloista sa naturang paligsahan, ang mapipiling Best New Artist, Vocalist of the Year, Guitarist, Bassist, Drummer of the Year at Best Live Act ay paglalabanan ng mga bandang tulad ng Hale, Bamboo, Brownman Revival, Junior Kilat, Paramita, The Dawn, Parokya ni Edgar, Greyhoundz, Imago, Pedicab, Sheila & the Insects, Kamikazee, Cheese, Radioactive Sago Project, Kiko Machine, Valley of Chrome, Updharma Down, Menaya, Daydream Cycle, Orange & Lemons, Dictalicense, Juan Pablo Dream, Sandwich, Sugar Free, Spongecola, Mojofly, Rivermaya, Monsterbot, at nina Kitchie Nadal & Cynthia Alexander.
Mahigit nang isang dekadang nagbibigay ng award ang NURock Awards sa mga nagpapasigla sa ating local music scene. Binibigyan parangal din nito ang mga music veterans at mga bagong talino.
Ito ang dahilan kung bakit pinakaaabangan ang NU107 Rock Awards sa Dis. 2 na gaganapin sa World Trade Center, Pasay City. The events will determine kung sino ang pinaka-magaling nating local bands.
Kahit baguhang palabas lamang ang E-Club@Studio23, dumadayo na rin ito sa mga key cities natin sa labas ng Maynila para mapalawak pa hindi lamang ang kanilang coverage kundi maging ang kanilang viewership.
Patok ang host ng show na si Kat Alano sa mga Cebuanos at kahit magkahiwalay sila ng co-host niyang si Rafael Rosell ay naging maganda ang pagdaraos nila ng kanilang inter-university dance competition segment. P10,000 ang makukuha ang mananalo at P500 naman ang runners-up.
Maraming featured dance groups sa show, tulad ng Kixx Dancers at ang Fix Image Dance Group (Andrea Verde, Jenilyn Josef, Evelyn Bulan, Teresa Chua, Janice Bactol, Sheryl Ariola, Maricel Gaspar) na regular na napapanood sa Sam Pizza Olongapo, Sibil Subic, Jeds Bulacan, at marami pang iba.
Kung gusto nyong mag-join sa E-Club @Studio 23party people, tumawag sa Vintage Productions Inc., 5211909/3030067/3003063 o mag-txt kay Christine Go 09209105797 o Janet Rebusio-Ducayag ng PR Dept sa 09212419202.
Bagaman at mayron ding mga labanan ng soloista sa naturang paligsahan, ang mapipiling Best New Artist, Vocalist of the Year, Guitarist, Bassist, Drummer of the Year at Best Live Act ay paglalabanan ng mga bandang tulad ng Hale, Bamboo, Brownman Revival, Junior Kilat, Paramita, The Dawn, Parokya ni Edgar, Greyhoundz, Imago, Pedicab, Sheila & the Insects, Kamikazee, Cheese, Radioactive Sago Project, Kiko Machine, Valley of Chrome, Updharma Down, Menaya, Daydream Cycle, Orange & Lemons, Dictalicense, Juan Pablo Dream, Sandwich, Sugar Free, Spongecola, Mojofly, Rivermaya, Monsterbot, at nina Kitchie Nadal & Cynthia Alexander.
Mahigit nang isang dekadang nagbibigay ng award ang NURock Awards sa mga nagpapasigla sa ating local music scene. Binibigyan parangal din nito ang mga music veterans at mga bagong talino.
Ito ang dahilan kung bakit pinakaaabangan ang NU107 Rock Awards sa Dis. 2 na gaganapin sa World Trade Center, Pasay City. The events will determine kung sino ang pinaka-magaling nating local bands.
Patok ang host ng show na si Kat Alano sa mga Cebuanos at kahit magkahiwalay sila ng co-host niyang si Rafael Rosell ay naging maganda ang pagdaraos nila ng kanilang inter-university dance competition segment. P10,000 ang makukuha ang mananalo at P500 naman ang runners-up.
Maraming featured dance groups sa show, tulad ng Kixx Dancers at ang Fix Image Dance Group (Andrea Verde, Jenilyn Josef, Evelyn Bulan, Teresa Chua, Janice Bactol, Sheryl Ariola, Maricel Gaspar) na regular na napapanood sa Sam Pizza Olongapo, Sibil Subic, Jeds Bulacan, at marami pang iba.
Kung gusto nyong mag-join sa E-Club @Studio 23party people, tumawag sa Vintage Productions Inc., 5211909/3030067/3003063 o mag-txt kay Christine Go 09209105797 o Janet Rebusio-Ducayag ng PR Dept sa 09212419202.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended