Anim na taon din naman ang ipinaglingkod ko sa Actors Guild at masaya akong isasalin ang posisyon kay ER.
Pero nandyan pa rin ang aking pagtulong sa ating Katipunan. Ganun din ang hinihiling ko sa ating mga kapwa artista - suportahan ang adhikain ng ng mga bagong halal na opisyal ng KAPPT.
Kailangan ang buong kooperasyon ng industriya upang maging maayos ang pagpapatakbo ng ating Katipunan. Pangalagaan din natin ang kaban ng organisasyon.
Tutal naman bago pa lang sila sa showbiz. Marami pa silang dapat matutunan. Tayo na lang sana na mas matagal na sa showbiz ang dapat umunawa sa kanila.
Talagang ganun, hindi natin maiaalis na may sarili silang paniniwala, pero sa isang banda nandun pa rin naman ang pagsunod nila sa sistema ng showbiz.
Wala naman sigurong masama kung nagkataon na manager ni Hero ang kanyang kapatid. Meron din namang iba na ganyan din ang sitwasyon - kapamilya nila ang nagha-handle sa kanila.
Ang punto ko lang, sana naman huwag natin sirain ang career ng bata. Bigyan naman natin siya ng pagkakataon. Turuan natin siya sa paraang dapat at huwag naman natin siyang pagkaisahan.
Nakahanda na ang mga listahan ng mga artistang kasama sa Walk of Fame - Fernando Poe, Sr., Rosa del Rosario, Joseph Estrada, Fernando Poe, Jr., Susan Roces, Amalia Fuentes, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nida Blanca, Nestor de Villa, Ramon Revilla, Dolphy, Eddie Garcia, Gloria Romero, Tita Duran, Pancho Magalona at marami pang iba.
Alam kong mahirap ang mawalan ng anak.