Tinawag kasi ni K ang anak sa stage para pormal na ipakilala at para sabihing nag-iisa niya itong kakampi sa buhay.
Akala ng lahat ay first stanza lang ng theme song ng Titanic ang kakantahin ng bagets o kayay magdu-duet na sila ng ina, pero sinolo ni Krystal ang kanta at take note, bumirit pa sa huli. Kitang-kita namang very proud si K sa nag-iisang anak, yun nga lang, iisa rin ang tanong ng mga nanood, sino nga ba ang kamukha ng anak mo, K bakit hindi nakuha ang mestiza looks mo?
Samantala, napuno naman ni K ang Music Museum at masasabing halos kakilala niyang lahat ang nanood at maski na friends niya ang mga ito, mega pay sila lalo na si Gladys Guevarra, production staff ng mga programang kasama siya at iba pa. Curious lang kami kung nagbayad din si Faith Cuneta na nasa isang sulok.
As a whole, okey naman ang performance ni K at ramdam namin ang kanyang nerbyos, na idinadaan na lang niya sa spiels.
Kakaiba raw kasi ang ikinikilos at sinasabi nitong mga huling araw ni Franzen sa PBB na ayon mismo sa obserbasyon ng executive ng Dos ay hindi na normal kaya marahil tuluyan na siyang patalsikin ni Big Brother sa kanyang bahay.
Opinyon ng isa sa executive ng ABS-CBN, "I have a feeling na masyado siyang nakampante kasi nga, ilang beses na siyang na-nominate dahil sa mga palpak niya, and yet siya pa rin ang may pinakamataas na boto para ma-save siya, siguro inisip niya, maski na anong gawin niya, he will be saved, e, heto na, dumating na ang oras niya."
Aminado rin kaming si Franzen ang gusto naming manalo dahil siya ang may matinding pangangailangan kumpara sa ibang housemates pero sa ipinakikita niyang ugali na napapanood gabi-gabi sa PBB house, ay "Hindi na siya nakakatuwa, bastos na siya," ito mismo ang comment ng viewers kay Franzen.
At naniwala kaming original copy ito at hindi pirated dahil nakalagay pa sa screen ng "For screening purposes only and not for sale" at may mga telephone numbers pang nakasulat at higit sa lahat, wala siyang subtitle.
Anyway, sa November 23 pa ito ipalalabas at pumupusta kami na magki-click ito sa moviegoers at kikita pa, kesehodang makakasabay niya ang The Exorcism.
Hindi na bago sa amin ang acting ni Kim Rae Won as Kevin ng Attic Cat dahil sadya palang ganun siya, mapagbiro, mapang-asar at minsan seryoso. Ang nakakagulat ay guwapo pala siya at mahusay magdala ng damit kumpara sa Attic Cat.
At hindi siya nagpahuli kay Dao Ming Su na kinabaliwan sa buong Pilipinas nung panahon ng Meteor Garden, pati boses, magkahawig din. - Reggee Bonoan