Tini-text ang mag-ina ngayon ng mga natanggal at kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi sa kanila. Malinis naman ang konsensya ni Mommy Beth dahil wala siyang kinalaman dito.
"Kasalanan ko ba kung magkaroon ng revamp na kagustuhan ng mga prodyuser? Tumutulong lang ako sa kanila kung paano mapapaganda ang programa dahil may malasakit ako sa show at narun ang anak ko. Di ko kasalanan na matanggal sila sa show. Bakit nila ibinabagsak ang sisi sa aming mag-ina? Sana suriin nila ang kanilang mga sarili at itanong kung bakit sila natanggal," sey ni Mommy Beth.
Sa Love To Love Season 9 ay magkakasama sila nina Jennylyn Mercado at Dion Ignacio.
"Mabait lang ito sa kanyang asawa dahil mahal na mahal niya si Jinky. Saka paano makakalusot si Manny gayung lagi nitong kasama ang kanyang asawa? Hindi naman sa walang tiwala si Jinky sa kanyang mister, kundi mismong si Manny ang may gustong sumama siya kahit sa abroad dahil komportable siya kapag laging nasa tabi ang kanyang misis," sey pa ni Reli.
Sa kabilang banda, nilinaw pa rin nito ang pagiging mahilig sa sabong ni Manny. "Libangan lang nito ang sabong. Hes more of a breeder than a gambler," dagdag pa ng ex-manager.
Excited na si Manny dahil palabas na ang Sports Idol co-host niya sina Champagne Morales at Quinito Henson sa Channel 13, ika-6-7NG, tuwing Biyernes, prodyus nina Lolit Ching at Henry Tan.
Minsan, nagkaroon ng concert si singer A at dumalo dun ang kaibigan nitong sikat ding singer na tatawagin nating si C. Kasama ni C si Singer B para panoorin ang concert ni Singer A.
Nang magkita ang tatlo ay nagbeso-beso sina Singer A at C pero tiningnan lang ni Singer A si Singer B na napakahusay ding umawit.
Feeling tuloy ni Singer B ay inisnab siya ni Singer A gayong wala siyang atraso rito.