Naubos na ang pasensya ni Big Brother sa pasaway na housemate. Hindi na rin kailangang mag-sacrifice ni Cass para makapag-stay pa si Franzen.
Sa mga hindi nakakaalam, muling nag-violate si Franzen ng isang major rule. Ikinuwento niya kay Jason ang nangyaring pag-uusap nila ni Big Brother sa confession room.
Ipinatawag na ng Pinoy Big Brother management ang asawa at magulang ni Franzen para iparating ang balita. Na-shock ang mga ito. Kung sa telebisyon ay nakangiti pa ang asawa ni Franzen, off camera ay shocked daw ito, ayon sa kuwento sa akin.
Inilabas na rin ng Big Brother ang resulta ng initial text votes nina Franzen at Cass. Malaki ang nakuhang boto ni Cass compared to Franzen. Tinapos na rin ang botohan sa pagitan nina Franzen at Cass.
Bukas ay lalabas na si Franzen sa bahay ni Kuya. If in the past ay warm welcome ang natatanggap ng mga evictees, will it still be the same sa pasaway na si Franzen? Mukhang major turn-off ang nangyari sa kanya.
Basta ako, hindi ako excited na makita yang si Franzen. Grabe ang pagiging pasaway niya! Tigilan na ang mga drama niya paglabas niya ng bahay, huh!
Gusto ko pa rin si Jason dahil mabuti itong tao. Kahit may impluwensiya ni Franzen, may sarili pa ring isip si Jason.
Kay Uma naman, natatawa talaga ako sa kanya. Kahit reklamador, panay naman ang sunod. Wala naman siyang choice talaga. May mga kaibigan ako na siya ang gustong manalo.
I also adore Say. Kikay pero sensible. Wala siyang galit sa mundo. Masunurin sa daily task. Kahanga-hanga nga na tumagal siya ng ganon sa bahay.
At siyempre, ang favorite kong si Cass. Grabe ang charm ng babaeng ito. Nagustuhan ko ang pagiging prangka ni Cass. Pati na rin ang kanyang pagiging maasikaso sa bahay. Sabi nga ng official psychologist sa bahay, Cass has a good heart.
In a few more years, puwedeng-puwedeng sumabay si Heart sa acting sa mga tulad nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa at Judy Ann Santos. That is, kung magtutuluy-tuloy ang magandang pagpapatakbo sa kanyang career. At hindi siya magloloka-lokahan.