Ngayong Huwebes Nov.17 sa Market Market sa Fort. Nakapuwesto sila banda roon sa mga prutas. Hanapin ninyo sila at siguradong matutuwa kayo sa sarap ng mga luto ng lola nila.
Mayroon pang coco jam, may adobo flakes, roastbeef pati humburger meron din.
Ka-partner din nila ang modelong si Tania Paulsen at artist manager na si Girlie Rodis.
Aside from producing a movie, gusto rin niyang magsulat ng libro.
Gusto rin niyang gumawa ng comedy special and stand up comedy na hindi pa niya nagagawa sa TV.
Actually, isa si Ms. Tessie sa iilang stand up comedian na beterano sa pagi-impersonate. Si dating unang ginang Imelda Marcos, parang hindi na niya kailangang i-memorize ang character para magaya niya ang controversial na unang ginang.
Anyway, nakaka-isang taon na pala si Ms. Tessie sa GMA 7. At siguro mako-consider na isa si Ms. Tessie sa maraming lucky charm ng Kapuso dahil October siya lumipat ng GMA, the following month, November, nag-no. 1 ang GMA. "Ang anak kong si Robin (na nasa Amerika) ang nagsabi niyan sa akin. Kasi namo-monitor niya sa internet ang mga nangyayari dito sa atin," sabi ni Ms. Tessie.
Sa Bahay Mo Ba To ang unang show niya sa GMA. Originally pala, hindi sa kanya ang role sa nasabing comedy show na naghakot ng award sa Entertainment Press Society.
"Dapat brothers sila. Eh nong nakita nila ako sa Bubble Gang, naisip nilang okey ako for the role," she recalled in an interview.
After a year, nadagdagan na ang show niya. Siya ang host ng programang kuwento ng kabayanihan, ang Pusong Wagi na umeere na VHF channel na QTV Channel 11, ang sister station ng GMA.
Enjoy si Ms. Tessie sa programa dahil may challenge. Kino-consider niyang challenge ang makipag-communicate sa mga kapuspalad nating kababayan.
Isang reality based public service show.
"Matutunghayan dito ang mga totoong kuwento ng kabayanihan ng mga ordinaryong Pilipino na walang-wala man sa buhay ay buong puso pa ring tumutulong sa mga nangangailangan."
Mapapanood ito tuwing Miyerkules ng alas-8 ng gabi simula..
Every Wednesday ay ipapakilala ng Pusong Wagi ang tatlong ordinaryong tao na may kani-kanyang kuwento ng kabayanihan. Pwede ring bumoto ang mga viewers sa pamamagitan ng SMS para matulungan nila ang kanilang paboritong Pusong Wagi na mabigyan ng reward para sa kanyang kabutihang loob.