P10M na ang gastos ng Exodus!

Masaya nito ang mga taga-Encantadia dahil ang top rating tele-fantasy ng GMA-7 ang nanalong Outstanding Drama Series sa 2nd Golden Screen [Entertainmment TV] Awards ng ENPRESS Inc. o Entertainment Society, Inc.

Nanalo ring Outstanding Director for a Drama Series sina Mark Reyes at Gil Tejada at si Sunshine Dizon as Outstanding Lead Actress in a Drama Series para pa rin sa Encantadia. Dahil sa tatlong awards, tiyak na masaya’t ganado ang buong cast at staff sa last taping nila ng tele-fantasy sa November 16 somewhere in Batangas.

Natupad ang wish ni Sunshine na siya’y manalo. Kabado ito’t puro magagaling ang nakalaban sa nasabing category gaya nina Angel Locsin, Claudine Barretto, Bea Alonzo, Karylle at Regine Velasquez.

Masaya rin nito ang mga taga-Bahay Mo Ba ‘To sa six awards na kanilang napanalunan. Ang show ang nanalong Outstanding Comedy Series at si Direk Al Quinn ang nanalong Outstanding Director for a Comedy Series/Comedy Gag Show.

Sina Tessie Tomas at Ronaldo Valdez ng BMBT ang nanalong Outstanding Lead Actress at Lead Actor in a Comedy Series respectively. Outstanding Supporting Actress at Supporting Actor naman sina Sherilyn Reyes at Keempee de Leon.
* * *
Hindi lang pagandahan, palakihan din ng gastos ang movie entries sa 2005 Metro Manila Film Festival. Ayaw mag-quote ng price ni Alice Dixson kung magkano na ang nagagastos ng OctoArts Films at M-Zet Productions sa Enteng Kabisote…The Legend Continues pero, alam daw niyang malaki na.

Mala-Encantadia ang story ng movie, may kingdoms at magarbo ang special effects na inihalintulad niya sa Lord of the Rings at Startrek. Abangan daw natin ‘pag ipinalabas na ito sa December at bibilib tayo sa ganda ng special effects at costume.

Tiyak na malaki na rin ang nagagastos ng GMA Films at Regal sa Mulawin the Movie. Ang dami nitong cast at pinagawan ng costume at kuwento sa amin, hindi rin nagtipid ang production sa special effects at ibang ikakaganda ng movie.

Ang Exodus ni Bong Revilla, as of last week, umabot na raw sa P70 million ang nagagasta at hindi pa kasama ang promotion at gagastusin sa parade sa December 24. Ang wish ng aming source, kumita ang lahat ng entries sa MMFF para hindi ma-discourage ang producers na gumawa ng pelikula.
* * *
Tama ba ang balitang sa December 10 na magtatapos ang Season One ng Pinoy Big Brother? Sa nasabing petsa, malalaman kung sinong housemate ang maiiwan sa bahay ni kuya, mananalo ng P 1 million at magkakaroon ng showbiz career.

Sa January 9, 2006 naman daw (baka mabago pa), ang simula ng Season Two na celebrities ang challengers. Sixty days o two months lang daw ito tatakbo at magkakaroon ng audition para rito.

June, next year naman daw ang Season Three at international season ang tawag nito ng ilang press people. Pinoy na may dugong banyaga raw ang pipiliing housemate. Halimbawa, Fil-Am, Fil-Jap, Fil-Aussie, Tsinoy at iba-iba pang may dugong banyaga. Kaya, different languages ang madidinig natin. Masaya ito!
* * *
Pareho palang Chrysler ang bagong kotse nina Dingdong Dantes at Paolo Contis. Mamahalin ang brand ng car na ito’t imported pa. Aabot nga ba sa P3 million ang worth nito at puwede nang ibili ng house o condo unit?

Sigurado ring extra careful ang dalawang actor ‘pag dina-drive nila ito’t takaw-carnap ang ganitong klase ng sasakyan. Ang maganda’y nakikita kung saan napupunta ang kinikita nina Dingdong at Paolo sa TV at movies.

Napanood namin sa 24 Oras ang car ni Paolo na talagang maganda’t nangingintab pa. Ipinagmalaki ni Paolo na part nang ibinili niya rito’y talent fee niya sa Sugo at Hari ng Sablay.

Show comments