Simula kahapon (Linggo), lumipat na sa bagong tahanan si Mother Ricky sa isang mas pinagandang beauty program na pinamagatang Gandang Ricky Reyes, titulong akmang-akma sa beauty expert-host na regular nang napapanood sa QTV-11 sa ganap na ika-sampu hanggang alas-onse ng umaga. Ang nasabing programa ay isang lifestyle show na may halong entertainment, impormasyon, inspirasyon at edukasyon.
Sa pilot episode kahapon ay naging ispesyal na panauhin ang concert queen na si Pops Fernandez at dating beauty queen-turned actress na si Evangeline Pascual. Sina Annabelle Rama at Lolit Solis naman ang mapapanood sa darating na linggo (Nov. 20) habang sina Kuya Germs (German Moreno), Lito Calzado at ang mag-asawang Perla Adea at Romy Mallari naman sa ikatlong linggo (Nov. 27).
Nagsimulang magtrabaho si Direk Mac bilang assistant director ng yumaong si Ishmael Bernal na sinundan nina Chito Roño, Mel Chionglo, Gil Portes, Joey Javier Reyes at Willy Milan. Taong 1994 nang ipagkatiwala sa kanya ng Viva Films bilang director ang pelikulang Campus Girls na una niyang directorial job hanggang sa itoy maging sunud-sunod na.
Taong 2005, ang pelikulang dinirek ni Direk Mac, ang Let The Love Begin ng GMA Films ang kauna-unahang box office hit movie ng taon. Siya rin ang kinuhang director ng reunion movie nina Richard at Angel, ang Say That You Love Me na hindi naipapalabas at pangatlong movie niya sa taong ito ang launching movie ng komedyanteng si Bearwin Meily, ang Hari ng Sablay. Siya rin ang nag-direct ng youth-oriented TV program sa GMA na Click na tumagal sa ere sa loob ng apat na taon at kalahati, ganoon din ang Bestfrends at Joyride.
Ngayong isa nang establisadong TV and movie director si Direk Mac ay proud na sa kanya ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang ina.