Jackie Forster, buntis daw?

Nakarating kay Jackie Forster ang balitang buntis siya! Natawa ang aktres dahil hindi niya maubos maisip kung paanong buntis siya e, wala siyang karelasyong lalaki.

Hindi niya makuhang magalit kaya para maging klaro, ilalahad niya sa S-Files ng GMA 7 ngayong hapon ang totoong kalagayan niya para once and for all matapos na ang balita.

Sasagutin niya ng hinay-hinay ang mga itatanong sa kanya ng S-Files host na sina Pia Guanio, Paolo Bediones, Richard Gomez and Joey Marquez. Hinahanap niya sa kanyang isipan kung paanong nabuntis siya, kaya huwag ninyong kaligtaan, tutukan mamayang hapon sa Siete.
* * *
How true na ang tf daw ng artista, writer, director at iba pang mga talent sa bagong bukas na QTV (Chan. 11), sister network ng GMA 7 at nag-start na ng public viewing last Nov 11 ay napakababa or maliit sa isang artista na may pangalan naman. Pero sa kabila ng lahat, maraming tumanggap ng trabaho sa new network. Una may exposure at may ginagawa kahit paano, kasi nga mahirap din ang magkaroon ng malaking tsansa na maging talent sa TV at sa pelikula dahil hirap ang panahon kaya madalang ang movie producers, so, ang artista ay sa TV lang humahanap ng pagkakakitaan.

Then, kailangang kumita, ke may pamilyang pinakakain o wala.

Sa lahat ng mahirap ay yung wala kang perang kinikita at pinaghihirapan. Kaya kahit na maliit lang ang kita sa QTV, hindi na rin masama, dahil bago pa lang naman ang network, kung baga at nag-uumpisa pa lang. Saka kahit ano pa ang sabihin, GMA 7 pa rin ang QTV. At pasasaan ba at madadagdagan ang maliit na kita or tf or salary. Siyete lang ito sa akin. — Letty G. Celi

Show comments