Isa siya sa mga bida sa kauna-unahang Close-Up movie na ipo-prodyus ng Unilever at Star Cinema. Makakasama niya sa movie ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
May pagkakataon ang mga tagasuporta ng tatlong artista na makasama sa movie, sa pamamagitan ng Close-Up. I-text lamang ang number na makikita sa kahit anong Close-Up pack sa 2955 (for Smart & Globe subscribers). 100 Close-Up fans will be drawn from entries nationwide. Weekly draws will be held to select 40 winners from Luzon, 30 winners each sa Visayas at Mindanao. Deadline for entries is on December 4. Text Close <space> Up to 2955 for more details.
Ang pelikula nina Sam, John Lloyd at Bea ay nakatakdang ipalabas sa Valentines Day.
Ang "Batang Preso" ay isang full length TV documentary na sinulat at prodyus ni Karen at nagpapakita sa mga kabataang nakakulong sa mga masisikip na piitan gayong ang krimen nila ay petty robbery lamang at pagsinghot ng solvent.
Isa yung di malilimutang tagumpay para kay Karen na umubos ng mga buwan para magawa ang nasabing docu. Isang madamdaming speech ang ibinibay ni Karen sa pagtanggap niya ng kanyang karangalan. "It was our responsibility to give these children the voice. Kinalimutan na ang marami sa kanila sa loob ng kulungan; silay simbolo ng ating kahinaan bilang isang lipunan at isang bansa. These children just want a second leave in life," anang speech niya.