Si
Faith Cuneta ang itinuturing na Koreanovela theme song diva dahil siya ang paboritong kunin para kumanta ng theme song ng mga sikat na Koreanovela na ipinapalabas sa
GMA-7. Siya ang umawit ng theme song ng
Endless Love 1 na pinamagatang "Ikaw" ganoon din sa part 2 ng
Endless Love na "Di Ko Na Kaya" at part 3 ng
Endless Love na "Suko Na Ang Puso Ko" na pawang adaptation ng mga Korean theme songs. Pang-apat na theme song ang "Asam" para sa
Love Letters at original composition naman ang "Pag-ibig Koy Pansinin" na siyang ginamit na theme song ng "Stairway to Heaven". Itoy sariling komposisyon ni
Elmer Blancaflor. Palabas ngayon ang pinakabagong Koreanovela na
Jewel in the Palace at si Faith din ang naatasang kantahin ang local theme song nito, ang "Pangarap na Bituin" na komposisyon ni
Willy Cruz at unang inawit at pinasikat ni Sharon Cuneta. First cousin ni Sharon and yumaong dad ni Faith na si
Alvin Cuneta.
Carmela Cuneta sa tunay na buhay, nagtapos si Faith ng Business Administration major in Computer Application sa College of St. Benilde sa La Salle-Taft. Ang kanyang manager na si
Jacob Fernandez ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name na Faith. Pagkaran ng isang buwan, October 18, 2004, ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng
XAX Music Entertainment, Inc. ay ni-launched at magmula noon ay sunud-sunod na ang magagandang opportunities na dumarating kay Faith. Naisakatuparan naman ang kauna-unahang major solo concert ni Faith, ang
One : The World Tour kung saan niya nakasama ang isa pang talent ni Jacob na si
Juaquin. Si Faith ay produkto rin ng
Metropop Star Search at isa rin siyang stage actress ng
Trumpets. Nung Huwebes (Nov. 10) ng tanghali ay ni-launched ang pangalawang album ni Faith na pinamagatang "Pangarap" sa ilalim ng
Galaxy Records na ginanap sa
World Music Room Family KTV sa Promenade sa Greenhills.
Masiglang ibinalita sa amin ng masipag na mayor ng Pagsanjan, Laguna na si
Mayor E. R. Ejercito (Jeorge Estregan) na ginawaran ng parangal ang Pagsanjan Public Market ng
Consumer Welfare Champion Award 2005 bilang Best Public Market in the Philippines na iginawad ng Dept. of Trade and Industry na ginanap sa SM Megatrade Hall nung nakaraang Oktubre 12. Tinanggap ni Mayor Ejercito ang parangal mula sa DTI Secretary na si
Sec. Peter Favila kasama sina
DTI Director Vic Dimagiba,
Avesco President Jimmy Tang at
Chairman Meneleo Carlos, Jr. ng Philippine Product Safety and Quality Foundation, Inc. Ang nasabing parangal ay isa lamang sa napakaraming parangal na tinanggap na ni Mayor Ejercito para sa kanyang bayan ng Pagsanjan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Matapos man ang termino ni Mayor Ejercito, hinding-hindi makakalimutan ng kanyang mga kababayan ang mga naiambag nito sa kanilang lugar.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Mayor Ejercito ay nagtapos ng Advertising, Marketing & Visual Communication sa University of the Philippine kung saan din siya kumuha ng Local Administration and Community Development.
Sina
Moon Geunyoung ng popular Koreanovelang
Endless Love at
Kim Raewoon ng
Attic Cat ang mga pangunahing bituin ng No. 1 Korean romantic-comedy movie na
My Little Bride na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ng Metro Manila simula ngayong November 23.
Sina Kim Rae-won at Moon Geun-young ay dalawa sa pinakamaiinit na young actors sa Korea mapa-pelikula man o telebisyon.
Napamahal ang Filipino audience kay Kim sa kanyang hit GMA TV series na
Attic Cat habang si Moon naman ay hindi malilimutan sa kanyang blockbuster thriller na
A Tale of Two Sisters at sa sinubaybayang teleseryeng
Endless Love - Autum in my Heart.
Ang
My Little Bride ay record-breaking nang itoy ipalabas sa Korea nung nakaraang taon.
E-mail: a_amoyo@pimsi.net