Best actress nominee

Excited na si Angel Locsin dahil nominado siya sa Outstanding Lead Actress in a Drama series sa darating na 2nd Golden Screen Entertainment TV Awards.

"Tita, proud na ako kahit nominee lang at magagaling ang mga kasamahan kong nominado sa said category gaya nina Regine Velasquez, Bea Alonzo, Claudine Barretto at Karylle. Pero sakaling palarin naman ako, magiging maaga ang aking Christmas gift," aniya.

Bata pa si Angel ay pangarap na nitong maging artista kaya nga sa murang edad ay umaarte na, kumakanta at nagsasayaw kaya nanalong Miss Little Barangay sa kanilang lugar. Natupad naman ang pangarap nitong maging isang artista at di sukat akalain na sisikat siya bilang si Darna at Alwina ng Mulawin.
Direk Mac, Saludo Kay JayR
Tinanong namin si Direk Mac Alejandre kung ano ang masasabi niya sa acting ni JayR na kilala bilang R&B singer.

"Magaling siya at may ibubuga sa pag-arte. May timing din siya sa pagpapatawa kaya hindi ako nahirapan," aniya.

Sa kabilang banda gamay na niya si Bearwin Meily dahil walong pelikula na ang nagawa nila ng komedyante na siya ang director. Siyam na movies naman ang pinagsamahan nila ni Tuesday Vargas.

Anu-ano naman ang mga problemang dinanas ni Direk habang ginagawa ang pelikula?

Ayon kay Direk Mac, nahirapan din siya dahil maraming artista ang kasama sa movie kung saan may iba’t iba silang schedule ng taping "Yung iba’y taga-ABS-CBN at yung iba naman ay sa GMA 7. Mahalagang kalaban din ang ulan kaya minsan ay napa-pack-up ang syuting gayung kumpleto pa naman ang cast kaya nanghihinayang ako," anang director.

Lumaki rin ang budget ng movie dahil sa mga artista.

"Noong bata pa si Bearwin ay naging nanay nito si Nova Villa at Joel Torre at si Rica naman ay sina Pinky Marquez at Al Tantay ang magulang. Hindi naman pwedeng baratin ang kanilang TF dahil may mga pangalan sila, di ba?" sey pa ni Direk.
* * *
Sa kabilang banda, schedule din ang nagiging problema kaya hindi pa rin matapos ang syuting ng Blue Moon. Hindi pwedeng magsyuting ng Sabado si Christopher de Leon at si Dennis Trillo naman ay abala sa taping ng Darna at syuting ng Mulawin. Naka-two days syuting lang si Paolo Ravales at di na naituloy ang buong pelikula dahil sa kanyang Now and Forever kung saan madalas ang taping nito.
Alynna, Gagawa Ng Full Album Para Sa Asia
Tinawag si Alynna na The Sarah Brightman of the Philippines ni Cocoy Laurel dahil sa kanyang repertoire na pop, rock, jazz, R&B at soul songs. Noong mga taong hindi siya aktibo sa limelight ay nagkaroon ang magandang singer ng pagkakataong mag-internalize at ma-develop ang bagong kakayahan kung saan ang kanyang tinig ay mayroon na ngayong lalim.

Bukod sa kanyang CD Lite na "Someone Like Me…Alynna" ay gagawa pa rin ito ng full album na iri-release sa Asya.

Mas may damdamin ang kanyang mga awitin ngayon.

"I’m nursing a broken heart pero wala akong regrets matapos ang pitong taong relasyon namin ni Hajji (Alejandro).I’m not ready to fall in love again," anang singer.
Blind Item: May Bad Breath Ang Kapareha!
Ayon sa isang source nagreklamo ang sikat at magandang aktres dahil hindi niya masikmura ang baho ng hininga ng kanyang kapareha sa isang soap opera sa gumagawa pa lang ng pangalan.

Kapag may eksena ang dalawa ay talagang nasusuka sa amoy ng bunganga ng aktor.

Show comments