"Pero, magkaibigan pa rin naman kami. Katunayan ako ang nangangasiwa sa ipinatatayo niyang bahay dito sa Kamaynilaan na mayron pang swimming pool," anang aktor na ngayon ay abala sa pagpapabalik-balik ng Maynila at Cebu na kung saan ay dalawang linggo nang nag-soft run ang 22nd St., isang comedy bar. Ang naunang dalawang 22nd St. ay matatagpuan sa Antipolo (Marcos Highway) at Las Piñas. Magkatulong nila itong pinatatakbo ng isa niyang kapatid na babae.
Pioneer ang 22nd St. sa comedy bar dito sa Pinas. Dito nagsimula ang mga sikat na komedyanteng sina Chokoleit, Gladys Guevarra, K Brosas, Anton Diva, Jinky Oda, Ate Gay at Tuesday Vargas.
Ang 22nd St. pa rin ang nagpasimula ng mga bikini contests. Produkto dito sina Jordan Herrera, Myles Hernandez, Clarissa Mercado, Douglas Robinson at Justin de Leon.
Magkakaron ng grand opening ang nasabing comedy bar na matatagpuan sa Mango Ave., Mango Square, Cebu City, malapit sa Fuente Osmeña sa Nob. 15. Guests sina Ethel Booba, Chokoleit, James Blanco, Paolo Paraiso, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Carlo Maceda at Ynez Veneracion.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa negosyo, di pa rin pinababayaan ni Mon ang kanyang acting career. Kasama siya sa seryeng Panday na pinagbibidahan ni Jericho Rosales. Siya si Magnus, isang kalaban ni Jericho na may espada na may magnet. Nakasama rin siya sa Agos pero sa di niya malamang kadahilanan ay di na siya ibinalik sa serye. Baka raw nalaman nila na kasama na siya sa Panday.
Isa itong ideya ni Pepe Pimentel na dinidirihe ni Al Quinn at prodyus ng KB Entertainment Limited Inc. na binubuo nina Kitchie Benedicto, ang anak niyang si Christine L. Rosales bilang presidente at ng TV director na si Bert de Leon. Layunin ng palabas na makahanap ng mga local counterparts ng Jackson 5, the Osmonds, The Corrs, The Hansons at The Moffats.
Set to premiere on Saturday, Nov. 2, 5PM, ang Fam Jam ay hini-host ng mag-aamang Francis at Maxene Magalona.
Labindalawang pamilya ang pumasa sa audition. Nagpalabunutan ang 12 pamilya para malaman kung pang-ilan sila sa mga maglalaban. Ang labanan ay hahatiin sa dalawang round at may 6 na pamilya na kasali bawat round.
Bawat elimination ay magkakaron ng tema: OPM, English standards, Big Band Swing, Jazz, Rock n Roll. Ang pinakahuling dalawang pamilya sa bawat round ang magso-showdown. Pipili sila ng tig-isang soloista na kakatawan sa kanila. Ang mananalo sa labanan ay mag-aakyat sa kanyang pamilya sa mataas na posisyon.
Magsisilbing hurado sina Sen. Tito Sotto, Moy Ortiz, Carlitos Siguion Reyna, Mitch Valdez, Bituin Escalante, Rada, Jinky Vidal. at mga myembro ng mga pangunahing banda tulad ng Side A, South Border at iba pa. Ang mga winner sa Round A at B ang maglalaban sa grand finals para sa premyong isang milyong piso.
Ang pelikula ng Viva Digital ay nagtatampok din kay Yul Servo. Nabigyan ito ng A Rating ng Cinema Evaluation Board at umaani ng mga positibong papuri sa mga kritiko.
Ang pelikula ay dinirihe nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos at line produced ni Jon Red na siya ring sumulat ng istorya. Mapapanood ito sa Robinsons Galleria, Ermita, Metro East, Roben, Sta. Lucia, Ali Mall, Remar, Festival Mall, Metropolis, ABC Tri, Star Mall at marami pang iba.