Kaso lately ay tinatanggihan na siya ng mga gusto niyang sponsor. Hindi naman daw kasi kailangan ng exposure ng lugar na target ng aktres na pagdausan ng reception kaya ayun, hindi matuluy-tuloy ang kanyang kasal.
Kung tutuusin, kaya namang magbayad ng aktres na ito sa gusto niyang lugar kaya lang siguro, likas na kuripot kaya ganoon.
Kasi pala, nagalit si Henry kay Tito Alfie nang sulatin namin matapos ma-mention ng manager ni Judy Ann Santos na ayaw sa kanyang (Henry) makipag-deal ng GMA 7. Mas gusto raw ng GMA na si Tito Alfie ang ka-negotiate. Pero instead na pasalamatan ni Henry si Tito Alfie, aba, nagalit pa pala at kung anu-ano pang sinabi.
Samantalang ang set up lang sana, front lang si Tito Alfie as in hindi siya kukuha ng commission. Sasama lang si Tito Alfie sa mga negotiations since nega nga ang dating ni Henry.
Pero instead na ma-appreciate, namis-interpret pa. Eh paano na yan, ayaw na ni Tito Alfie. Sino pa ang lalapitan nila at hihingan ng tulong para makipag-negotiate sa GMA?
Actually, ang nagsa-suffer sa attitude nitong si Henry ay ang kapatid. Di pa rin ba niya nari-realize na nong nawalan ng trabaho si Hero sa ABS-CBN, wala rin silang income?
Sayang si Hero. Sana siya na lang ang mag-encourage na i-give up na ng kuya niya ang pagma-manage sa career niya. Im sure naman, mataas ang level of intelligence ni Hero dahil UP student siya. Mari-realize niya na kung hindi igi-give up ng kuya niya ang career management, parang bula na namang mawawala ang opportunity na ibibigay sa kanya ng GMA 7.
At sana rin alam nila na hindi sila tatantanan ni Tito Alfie sa ginawa ng kuya Henry niya.
Hay naku, maigi na lang hindi ko sinagot ang call ni Henry after I wrote it na obviously ay binasa niya.
Si Teri ang golden voice behind that songs "Fallin," "Yes, Im Ready," "Aint Nothing Gonna Keep Me From You," "It Takes A Man and A Woman," and many more. Samantala, si Joe Pizzulo ang voice behind naman ng kantang "Take This Love," "What Do We Mean To Each Other," "Never Gonna Let You Go," "Lets Give A Little More This Time," "Rainbows End" among others. Compilation ng kanilang greatest hits ang albums na parehong produced ng RTI Music and being distributed by Warner Music Phils.
Highlight ng album ni Joe ang dalawang duets with R&B siren Nina, ang accoustic versions ng "Im Never Gonna Give You Up" and "What Do We Mean For Each Other."
Sa show ni Nyoy (a concert party), layuning i-inform ang mga manonood na may isa palang organization na ganito ang goal.
Common knowledge naman kasi na maraming batang nagugumon sa sugal at nagiging priority nila ang sugal kesa sa pag-aaral.
Makakasama ni Nyoy sa nasabing concert sina King at Rush Band.
Tickets are sold at P350.00, P500.00 and P1000.
For a good cause ang concert na ito kaya dapat nating suportahan.
Actually, ngayon ko lang narinig na may ganito palang organization, ang MASS.