Natutuwa ang aktres dahil ang Chowtime Na ay mataas na ang rating at katunayan ay may papremyo na silang Sarao jeepney this January sa kagandahang loob ni William Lim.
"Tita, mali po yung paratang nila na noong maimbitahan si Mahal sa kapistahan sa Nueva Ecija sa paanyaya ni Cristy Fermin ay tatlong libo lang daw ang ibinigay ko sa kanya. May pinirmahan si Mahal na natanggap niya yong 7,000 mula sa kabuuang halagang 10,000 at 3,000 naman ang nakuha kong komisyon (30%). Kahit sa mga shows sa Japan nitong bandang huli ay dumidiretso na sila kay Joed. Pagpupunta ng Japan ay kasama ni Mahal ang amang si Romy Tesorero nang walang paalam sa akin. May existing contract kami hanggang 2007," anang Ramon.
Ipinaliwanag pa rin nito na noong una ay naaawa siya kay Mahal kaya hindi itinuloy ang demanda laban sa kanila dahil may pinagsamahan naman sila.
"Tuwing tumatawag ako sa bahay nila ay laging nakasigaw ang tatay nito at sasabihan ako ng "Anong problema mo?" Kahit si Mahal nakabulyaw din at sasabihing "Ayaw makipag-usap sa iyo ng tatay ko." Kaya naaawa na rin ako sa aking sarili at pakiramdam ko ay wala silang respeto. Kaya idedemanda ko na sila. May tatlong taping ako para kay Mahal at ibang shows pero tinatanggihan ni Mahal," sey pa nito.
Excited na ito dahil makakasama niya ang iniidolo ng masa at paborito rin niyang si Manny.
"Hes a gentleman, matulungin siya, malambing at very funny kaya lagi kaming masaya sa set. Kapag pinagkakaguluhan siya sa mga iskwelahan ay sinasabi niyang ako ang talagang pinagkakaguluhan ng mga estudyante kaya nakakataba ng puso, di ba?" aniya.
Sa kasalukuyan ay writer siya at account manager ng People Asia Magazine kung saan nag-o-organize din ito ng mga events, at sumusulat pa ng scripts.
Abala ito ngayon sa teatro at may stageplay na Ibong Adarna bilang magical bird at bilang si Princesa Maria kasama si Sherwin Ordoñez.
Controversial ang sexy actress dahil napapaaway ito sa mga kasamahan sa grupo.