Mayron pang ipo-promote na album mula sa Viva Records ang grupo, ang "The CompanYThe Anthology", isang pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng grupo. Pupunta pa sila sa mga malls, Nob.12, The Podium, Nob. 19, SM Valenzuela, Nob. 20, SM Megamall at Nob. 26, SM Bicutan. Lahat ng palabas ay magsisimula sa 4NH matangi sa The Podium na magsisimula sa 8NG.
Makakasama ng The CompanY ang bago nilang myembro na si Jay Marquez na unang nakilala ng publiko nung nakaraan nilang konsyerto sa CCP kaugnay ng kanilang anibersaryo.
Dahil sa ganda ng kanyang album, nakatanggap ito ng walong nominasyon sa Awit Awards. Pati ang talino ni Kitchie bilang songwriter at producer ay kinilala rin, nakatanggap siya ng pitong nominasyon.
Kabilang sa napanalunan niya ay ang Best Performance By A Female Recording Artist, Best Ballad para sa kanta niyang "Wag Na Wag Mong Sasabihin", Best Live Performance by A Female and Most Promising Female Entertainer.
May lumabas na limited edition CD ng kanyang album na kasama ang kanyang latest single na "Pangarap Ko" at ang cover version niya ng "Pagsubok" na unang pinasikat ng Orient Pearl.
Tinanggap din niya this year ang MTV Chart Attack Award at Nickelodeon Pinoy Wannabe Kids Choice Award.
Ang Club Mwah ay pinatatakbo ng partnership nina Pocholo Mallilin who takes care of the administrative side and Cris Nicolas na siyang artistic director and choreographer par excellence ng lugar.
Hindi lamang ang magandang lugar, ang magaling na choreography ng mga musical presentation ng Club Mwah ang dinadayo ng mga manonood kundi maging ang makukulay nitong costume, huwag nang sabihin pa ang magaling na performance ng mga Club Mwah talents na hindi na bagito sapagkat nakapag-perform na sila sa maraming sulok ng mundo.
Dun pa kami dumayo para mapanood ng sabay-sabay yung eviction night ng Pinoy Big Brother. At totoo nga na marami ang nanonood ng programa dahil karamihan ng TV sets sa White Rock Hotel ay dun nakatuon. Pati yung dalawang girls na nagmamasahe sa amin ni Manay Ethel Ramos ay nanonood habang nagmamasahe.
Nabundat yata kami nina Dindo Balares, Ghie Trillana, Jo Cesar, Mario Hernando, Butch Roldan, sa kakakain at kakainom ng buko at mga juices. Buhay reyna at hari talaga kami. Sarap pala ng ganun. Muli, salamat kina Maloli, Leah at Peachy. Sa uulitin po.