Kaya namin ito naitanong ay dahil hindi raw makasagot ang kilalang ramp model kung kailan niya niligawan at kung kailan sila naging mag-on ng Konsehala ng Quezon City.
Say ng mga taong nakakahalubilo ni Martin na kapag tinatanong siya kung paano sila nagkakilala at kung kailan niya niligawan si Aiko ay wala raw itong maibigay na detalye?
"Iniiba ang usapan kapag si Aiko na ang topic, parang ayaw niyang pag-usapan," dagdag pa sa amin.
Gimik lang ba ito para mapag-usapan si Aiko at para iligaw ang kaso sa kanila ni Happy Ongpauco-Rivera na nauwi na sa demandahan?
Nabanggit din sa amin na assistant director pala ni direk Louie Ignacio si Martin sa mga programa nito na ang dating itsura ay mataba at skin head.
Nagpaalam na lang daw na maga-abroad si Martin at laking gulat nila nung bumalik ay maganda na ang katawan at modelo na at saka sumali sa 2005 Mossimo Bikini Summit.
At nabalitaan naming magre-reformat ang nabanggit na programa ng IBC 13 na mag-uumpisa na sa November 9 at napag-alaman din namin na tsinugi na si Bobby bilang isa sa host dahil pinalitan na siya ni Onemig Bondoc na siya namang ipinapareha ngayon kay Angelica Jones.
Nakakagulat naman ang kuwentong ito ng taga-production dahil bakit tinanggal na si Bobby?
Ang pagkakaalam kasi namin ay isa ang mabait na konsehal ng San Juan sa nagtiyaga sa programa nung naghihingalo pa lang ito sa ere at kung kailan namang dumami na ang sponsors at maganda na ang takbo nito ay saka naman inalis ang boyfriend ni Angelica?
"Si Uno kasi ang pumalit, in fairness dumami talaga ang sponsors nung si Onemig na at saka pila-pila na ang mga taong nanonood sa amin, before, bilang lang ang studio audience namin," say ng taga-production.
Say pa na lucky ang pagpasok ni Onemig Bondoc na simula raw nung kinuha siya as one of the host ay marami na ang pagbabago ng programa.
Samantala, hindi naman kami sinagot ng taga-production kung alam na ba ni Bobby na tinanggal na siya dahil ang pagkakaalam namin ay nagbakasyon lang ito dahil nga nagpa-opera ito sa lalamunan at sa Canada naman nagpagaling.
Sinubukan naming kunin ang pahayag ng ina ni Angelica na si Mommy Beth Jones kung nasaan si Bobby pero hindi rin daw niya alam kung bakit hindi rin ito sumisipot sa show, hindi rin daw sila nagkaka-usap pa.
Pero kung siya raw ang tatanungin ay gusto niyang bumalik si Bobby bilang isa sa host dahil nung nag-uumpisa at naghihingalo ang Its Chowtime Na! ay isa si Bobby sa nagtiyaga.
Sinubukan naming tawagan si Bobby para tanungin kung bakit wala siya sa programa, pero hindi kami sinagot.
Hindi tuloy namin malaman kung totoo ang balitang off na sina Bobby at Angelica dahil ang pagkaka-alam namin ay nagbilin si Mrs. Cita Yan kay Angelica na "alagaan" si Bobby at siya lang daw ang babaing ipinakilala ng anak sa buong pamilya. REGGEE BONOAN