At very recently, napanood ko sa isang talk show na hiwalay na sila. Sa ngayon, wala pa akong naririnig na statement both from Ara and Polo.
Si Ara ay abala sa isyu ng kapatid na si Cristine Reyes. Pati na rin sa pagbabati nila ni Boy Abunda. While si Polo naman ay pinag-uusapan sa pagpapa-sexy nito sa Penis Talks: All About Men.
Ano kaya ang nangyari at hindi nagtagal ang relasyon nina Ara at Polo?
Hindi ko na rin siya nakita sa finale ng show.
Tried texting Tintin pero hindi ito nag-reply.
Ang nakarating sa aking balita, umiyak daw si Tintin. Kaya hindi na ito pinayagan ng production staff na lumabas sa ere na namamaga ang mata. All out support naman kina Julius at Tintin ang mga kasamahan nila sa Magandang Umaga Pilipinas at buong ABS-CBN news & current affairs.
Naiintindihan ko ang sentiments ni Tintin. Sa tagal ni Julius sa broadcast profession, ito ang unang pagkakataon na nasangkot siya sa kontrobersya. At siyempre, whatever pain Julius now has, pain din yon ni Tintin.
Pero pasasaan bat maayos din ang sigalot na ito sa buhay nina Julius at Tintin. At kailangang managot ang mga taong gustong sumira sa magandang reputasyon nila sa publiko.
Hindi na rin ako natutuwa sa panay-panay na pangungulangot niya. Parang namimihasa na siya sa kanyang kababuyan. Akala niya ay nakakatuwa ang ginagawa niya. Sana rin ay tigilan na ni Toni Gonzaga ang pamamansin dito dahil akala ni Franzen ay tama ang kanyang ginagawa.
Ngayon ay nominated si Franzen for eviction. Pero hindi pa siya kasama sa pagpipilian for eviction bukas na sina Jason at Sam. Sa Lunes ay ang 6th nomination night.
Kaabang-abang kung sino kina Sam at Jason ang mai-evict bukas ng gabi.