Gladys, K, di rin totoong tsika!
November 3, 2005 | 12:00am
Napanood namin last week sa Eat Bulaga na okey na talaga sina Gladys Guevarra at K Brosas sa segment na TKO kung saan isa si K sa contestant.
Nagkabiruan pa nga sila at sana raw ay tapos na ang mga tsismis na hindi sila tsika dahil obviously, super tsika sila on that particular day.
Pero nagtataka naman ang isang talent coordinator na gustong i-guest sina Gladys at K para sa back-to-back kantahan episode nila sa isang programa dahil tumanggi raw ang dating ka-myembro nina K.
"Napanood din namin ang episode na yun sa Eat Bulaga, kaya nagka-ideya yung boss namin na i-guest sila, back-to-back kasi nga nami-miss na ng tao yung magkasama sila sa iisang show, e, tumanggi si Gladys, hindi raw siya puwede, si K naman, natuwa pa nga at available raw siya," kuwento sa amin.
Isang kilalang komedyana ang nakabasa ng item namin dito sa PSN na iritable si Claudine Barretto sa mga text messages na natanggap niya mula sa kampo ng cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan.
Ayon mismo sa kilalang komedyana ay, "Naku, pati pala si Claudine, ginanun niya? Naku, hindi ako naniniwalang kampo niya ang nagpadala ng messages, siya (Dr. Calayan) mismo yan dahil ganyan-ganyan din ang ginawa sa akin noon.
"Nakakaloka, hindi naman niya ako kliyente, nagkakilala lang kami at tsika-tsika na, tapos nung nag-guest ako sa isang programa, tinext ba naman ako at batiin ko raw sila dahil nanonood sila sa akin. Buhkiiit?
"Natural, hindi ko binati, kasi para saan, e, wala naman akong dapat pasalamatan at saka wala naman akong business sa kanila? Day, tampu-tampuhan na ang lolo mo at hindi ko raw siya binati.
"Di ba, nakakaloka? Okey sana kung sinabi na, "Uy, paki-bati naman kami or something to that effect, e, hindi, demanding talaga, lolo mo. Feeling niya, nabili na niya ako. Di lalo na siguro kung kliyente niya ako, talagang obligadong pasalamatan at batiin siya? Sa totoo lang, nakakaloka ang drama niya," mahabang kwento ng komedyante.
"Actually, marami pang celebrity ang ginanyan din, hindi na lang kumikibo yung mga yun kasi naawa sila, lumalabas kasi na parang nagpapapansin sila, hungry for publicity kasi nga knows naman ng lahat na si Dra. Belo ang nauna sa ganitong business, kaya sa kanya pa rin ang takbuhan ng karamihan."
Pinangangambahan ni Cecilio Buddy Antonio, isa sa miyemro ng Kolokoy Boys ng Wowowee na nagsampa ng demanda laban sa floor direktor na si Mel Feliciano na ma-dismiss ang kaso dahil sa nakaraang dalawang arraignment (October 19 at 26) ay hindi sumipot si Mel.
Natanggap naman daw mismo ni Mel ang subpoena, pero tila binalewala naman niya ito at ayon din daw kay Fiscal Jaime Augusto B. Valencia, Jr. ng Room 414-B ng QC Prosecutors Office na siyang may hawak ng kaso ay malamang na ma-dismiss daw ito dahil mababaw ang kasong physical injury.
Bakit po ganun, hindi naman siya (Mel) sumisipot sa hearing, tapos dismiss? Ako ang nasaktan, ako ang nabugbog, hindi man lang ba ako pakikinggan ng batas?" sunud-sunod na katanungan ng biktima ng pangbubugbog.
Naalala tuloy namin ang komento ni Mel sa isang taga-Wowowee nung una niyang marinig na nagdemanda ang Kolokoy Boy, "Wala yan, kolokoy boy lang sila", ibig bang sabihin kaya niyang lusutan na siyang mangyayari na nga?
Samantala, hindi pa rin daw susuko ang Kolokoy Boy na si Buddy dahil kakausapin pa nila ang abogado nila para dalhin ang kaso sa Human Rights.
How true, shelved na ang bagong programang Nagmamahal Kapamilya na iho-host ni Bernadette Sembrano?
Kuwento ng insider ng Dos na hindi malaman kung saang timeslot daw ipapasok ang nabanggit na programa dahil may ilang executives daw na ayaw itapat ang Nagmamahal Kapamilya sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales para raw hindi mahati ang viewers dahil sayang naman kung hindi ito matutukan gayung sa ibang bansa pa lahat kinunan.
At ang dagdag kwento naman ng isang kilalang staff ng Dos sa amin, "Baka next year na lang siya ie-ere kasi as of now, magulo pa sa timeslot. At saka planong tapusin na lahat yung two seasons saka ipalalabas." Reggee Bonoan
Nagkabiruan pa nga sila at sana raw ay tapos na ang mga tsismis na hindi sila tsika dahil obviously, super tsika sila on that particular day.
Pero nagtataka naman ang isang talent coordinator na gustong i-guest sina Gladys at K para sa back-to-back kantahan episode nila sa isang programa dahil tumanggi raw ang dating ka-myembro nina K.
"Napanood din namin ang episode na yun sa Eat Bulaga, kaya nagka-ideya yung boss namin na i-guest sila, back-to-back kasi nga nami-miss na ng tao yung magkasama sila sa iisang show, e, tumanggi si Gladys, hindi raw siya puwede, si K naman, natuwa pa nga at available raw siya," kuwento sa amin.
Ayon mismo sa kilalang komedyana ay, "Naku, pati pala si Claudine, ginanun niya? Naku, hindi ako naniniwalang kampo niya ang nagpadala ng messages, siya (Dr. Calayan) mismo yan dahil ganyan-ganyan din ang ginawa sa akin noon.
"Nakakaloka, hindi naman niya ako kliyente, nagkakilala lang kami at tsika-tsika na, tapos nung nag-guest ako sa isang programa, tinext ba naman ako at batiin ko raw sila dahil nanonood sila sa akin. Buhkiiit?
"Natural, hindi ko binati, kasi para saan, e, wala naman akong dapat pasalamatan at saka wala naman akong business sa kanila? Day, tampu-tampuhan na ang lolo mo at hindi ko raw siya binati.
"Di ba, nakakaloka? Okey sana kung sinabi na, "Uy, paki-bati naman kami or something to that effect, e, hindi, demanding talaga, lolo mo. Feeling niya, nabili na niya ako. Di lalo na siguro kung kliyente niya ako, talagang obligadong pasalamatan at batiin siya? Sa totoo lang, nakakaloka ang drama niya," mahabang kwento ng komedyante.
"Actually, marami pang celebrity ang ginanyan din, hindi na lang kumikibo yung mga yun kasi naawa sila, lumalabas kasi na parang nagpapapansin sila, hungry for publicity kasi nga knows naman ng lahat na si Dra. Belo ang nauna sa ganitong business, kaya sa kanya pa rin ang takbuhan ng karamihan."
Natanggap naman daw mismo ni Mel ang subpoena, pero tila binalewala naman niya ito at ayon din daw kay Fiscal Jaime Augusto B. Valencia, Jr. ng Room 414-B ng QC Prosecutors Office na siyang may hawak ng kaso ay malamang na ma-dismiss daw ito dahil mababaw ang kasong physical injury.
Bakit po ganun, hindi naman siya (Mel) sumisipot sa hearing, tapos dismiss? Ako ang nasaktan, ako ang nabugbog, hindi man lang ba ako pakikinggan ng batas?" sunud-sunod na katanungan ng biktima ng pangbubugbog.
Naalala tuloy namin ang komento ni Mel sa isang taga-Wowowee nung una niyang marinig na nagdemanda ang Kolokoy Boy, "Wala yan, kolokoy boy lang sila", ibig bang sabihin kaya niyang lusutan na siyang mangyayari na nga?
Samantala, hindi pa rin daw susuko ang Kolokoy Boy na si Buddy dahil kakausapin pa nila ang abogado nila para dalhin ang kaso sa Human Rights.
Kuwento ng insider ng Dos na hindi malaman kung saang timeslot daw ipapasok ang nabanggit na programa dahil may ilang executives daw na ayaw itapat ang Nagmamahal Kapamilya sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales para raw hindi mahati ang viewers dahil sayang naman kung hindi ito matutukan gayung sa ibang bansa pa lahat kinunan.
At ang dagdag kwento naman ng isang kilalang staff ng Dos sa amin, "Baka next year na lang siya ie-ere kasi as of now, magulo pa sa timeslot. At saka planong tapusin na lahat yung two seasons saka ipalalabas." Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended