Heart, tanggap ng Echo/Tin fans
November 3, 2005 | 12:00am
Kung walang ibang commitments, tiyak na sumama si Heart Evangelista kay Jericho Rosales sa US Tour nito. Kung si Heart ang masusunod, gusto niyang sumama sa nasabing tour pero marami siyang trabahong kailangang gawin.
Pero bago umalis si Jericho papuntang America, um-attend pa ito ng fans day ni Heart na ginanap sa Dish kamakailan. In fact, hindi sumabay si Echo sa mga kasamahan niya. Nagpahuli ito ng isang araw para maka-attend ng said event ni Heart.
Ang nakakatuwa, tanggap si Heart ng mga fans ni Echo at Kristine Hermosa. Sinuportahan ng mga Echotiners ang nasabing fans day ni Heart.
Hanggang ngayon, wala pa ring inaamin sina Echo at Heart kahit very obvious na may something na namamagitan sa kanila.
"Echo deserves to be happy, the same way na masaya ngayon si Tin. Kaya kung kanino masaya sina Echo at Tin, nakasuporta lang kami," sabi ng isang Echotiner.
Tanggap din ng Echotiners si Heart bilang leading lady ni Echo sa Panday. Nakatakda na itong ipalabas sa November 9.
Hindi biro ang humiliation na pinagdaanan nina Rudy Fernandez at Alma Moreno sa Japan Immigration office nang hindi sila mapagbigyan na makapag-show sa Japan. Kaya hindi mo rin masisisi si Daboy kung naging mapusok siya sa mga pinaghihinalaan niyang may kagagawan ng kanilang kahihiyan.
Sa estado nina Daboy at Alma, isang malaking kahihiyan ang sinapit nila. Nakapag-show na sila sa ibat ibang parte ng mundo pero hindi nila naranasan ang sinapit nila sa Japan.
Mukhang kailangang linisin nina Joed Serrano at Robby Tarroza ang kanilang pangalan sa isyu. Marami na akong naririnig na hindi maganda sa kanilang sistema at pakikitungo sa mga artistang nagpupunta sa Japan. Kaya hindi nadala ang emosyon ko sa paiyak-iyak nila sa The Buzz last Sunday.
Pero bago umalis si Jericho papuntang America, um-attend pa ito ng fans day ni Heart na ginanap sa Dish kamakailan. In fact, hindi sumabay si Echo sa mga kasamahan niya. Nagpahuli ito ng isang araw para maka-attend ng said event ni Heart.
Ang nakakatuwa, tanggap si Heart ng mga fans ni Echo at Kristine Hermosa. Sinuportahan ng mga Echotiners ang nasabing fans day ni Heart.
Hanggang ngayon, wala pa ring inaamin sina Echo at Heart kahit very obvious na may something na namamagitan sa kanila.
"Echo deserves to be happy, the same way na masaya ngayon si Tin. Kaya kung kanino masaya sina Echo at Tin, nakasuporta lang kami," sabi ng isang Echotiner.
Tanggap din ng Echotiners si Heart bilang leading lady ni Echo sa Panday. Nakatakda na itong ipalabas sa November 9.
Sa estado nina Daboy at Alma, isang malaking kahihiyan ang sinapit nila. Nakapag-show na sila sa ibat ibang parte ng mundo pero hindi nila naranasan ang sinapit nila sa Japan.
Mukhang kailangang linisin nina Joed Serrano at Robby Tarroza ang kanilang pangalan sa isyu. Marami na akong naririnig na hindi maganda sa kanilang sistema at pakikitungo sa mga artistang nagpupunta sa Japan. Kaya hindi nadala ang emosyon ko sa paiyak-iyak nila sa The Buzz last Sunday.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended