Pinamagatang EClub@Studio 23, isa itong variety show na ang magsisilbing mga host ay sina Kat Alano, isang Brinoy beauty (British and Pinoy) at Rafael Rosell, isang artist ng ABS CBN na madalang nang makita ng mga manonood. Katunayan, sa ABC 5 siya huling napanood bilang finalist sa Hollywood Dream.
Ang Vintage Productions, Inc. na pinamumunuan ni Daisy Reyes bilang pangulo ang may prodyus ng EClub @Studio 23 na isa ring dance party na magtatampok ng mga competition sa mga istudyante at aspiring artists. Para sa pilot episode, maglalaban sa sayawan ang Bulacan State University (BSU) at ang Polytechnic University of the Philippines (PUP). May dalawang amateur bands na maglalaban sa "extreme ground segment". Tutugtugin nila ang kanilang original compositions.
Bukod kina Kat at Rafael, may makakasama silang dalawa pang hosts, sina Ms. Jam at Mr. Ricci.
Guests sa Linggo sina Maricar de Mesa, Cherrylou, ang grupong Pillow Case at Cueshe.
May bago ring tahanan ang 3R, sa bagong bukas na QTV Channel 11 at mapapanood ito tuwing Sabado, 3-4 NH simula Nob. 11.
Sa isang pakikipag-usap sa tatlong hosts, sinabi nilang madali silang nag-gel kahit na first time nilang magkasama. Hindi naman sila magkakasapawan sapagkat binigyan sila ng kani-kanilang mga assignments.
Pinaka-senior sa grupo si Reema, napanood sa mga programang The Exchange ng ABC5, G Force ng ANC at MUB ng ABS CBN. Nag-join din siya sa Extra Challenge at MTV VJ Hunt. Mayron din siyang radio program sa RX93.1.
Isa ring baguhan na maituturing si Bettinna sa larangan ng paghu-host. Bukod sa showbiz, mayroon din siyang negosyo na pinasukan, ang Marina, isang kainan na kung saan ay 10 silang magkakaibigan na naglagay ng puhunan. Tumatayo siyang cashier ng lugar.
Si Bianca ang pinaka-bago sa tatlo pero, willing itong pag-aralan ang kanyang trabaho at maging mabuting host. Bago sila mag-tape ay nakiki-jam ito sa dalawa niyang kasamahan at mga production people para mapag-aralan ng husto kung anong topic ang pag-uusapan nila at kung ano ang maibabahagi niyang gagawin sa kanilang pag-uusap.