Huwag isisi kay Julius Babao ang kawalan ng pangil ng ating batas sa terorismo
November 2, 2005 | 12:00am
Naaapektuhan ako sa isyung ibinabato ngayon sa kaibigan kong si Julius Babao. Apektado in the sense na hindi ako makapaniwala sa nasabing akusasyon. He is accused of being responsible for the release of Dawud Santos, isang alleged terrorist. Maraming dahilan kung bakit salat sa basehan ang nasabing akusasyon sa kanya.
Sampung taon ko nang kilala si Julius. Hindi pa sila ikinakasal ni Tintin Bersola, kilala ko na ito. At sa panahong yon, nakita kong mabuti siyang tao. Tahimik lang at propesyonal. At higit sa lahat, ang nais lamang niya ay magtrabaho at makatulong.
Tulad na lamang nang lapitan ko siya para matutukan ng news department ng ABS-CBN ang kaso ng pinaslang kong pinsan sa Mindanao. Walang dalawang salita, inasikaso niya ang tiyahin at pinsan kong dumulog sa kanya. Ganito rin ang ginagawa ni Julius sa isang segment niya sa TV Patrol World.
Wala sa reputasyon ni Julius ang gumawa ng labag sa batas. Sana naman ay maghinay-hinay ang mga nag-aakusa kay Julius. Masakit ang mapagbintangan ka ng isang bagay na wala kang kinalaman.
At sa isyung idinadawit kay Julius, todo-suporta naman sa kanya ang ABS-CBN management. Agad na nagpalabas ng official statement ang ABS-CBN management para ipahayag ang kanilang suporta sa TV Patrol anchor na wala itong involvement sa isyu.
Sa totoo lang, mas marami ang naniniwala sa kredibilidad ni Julius kesa sa mga taong pilit siyang pinapabagsak. At kung isa man itong smear campaign laban kay Julius, tiyak na hindi ito magtatagumpay. Huwag ninyong isisi sa isang tao ang kawalan ng pangil ng ating batas sa terorismo.
Hanggang Biyernes na lang ang teleseryeng Ikaw Ang Lahat sa Akin. Mamamaalam ito sa ere na mataas pa rin ang rating. Pagkatapos ng nasabing teleserye, pahinga muna si Claudine Barretto sa telebisyon. Ang balita ko, tinanggap na nito ang pelikulang Sukob, opposite Kris Aquino under Star Cinema.
Halos tapos na si Kris sa mga eksena niya. Sisimulan naman ni Claudine ang kanyang mga eksena. Kakaiba ang pelikulang Sukob dahil kuwento ito ng magkapatid na ikinasal ng parehong taon. At sa kanilang sari-sariling buhay, naganap ang mga di magagandang pangyayari.
Isa na naman itong obra ni Chito Roño, the same director who gave us the blockbuster movie Feng Shui.
Hindi pala totoong gay ang child star na si Nathan Lopez. Talaga lang mahusay ito. Si Nathan ay ang bida sa pelikulang Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros. Ang nasabing movie ay nanalo ng Best Picture sa Montreal World Film Festival at Jury Prize for Best Picture sa Cinemalaya. At kamakailan din ay nakamit nito ang Best Film sa Imagine Native Film Festival sa Toronto, Canada.
At due to insistent public demand, mapapanood na sa mga sinehan ang Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros sa November 16. Ang Star Cinema ang magri-release nito.
Ang nasabing movie ay prodyus ni Raymond Lee at mula sa panulat ni Michiko Yamamoto at direksyon naman ni Auraeus Solito, isang premyadong direktor sa advertising world.
Sa mga nakapanood na ng movie, talaga raw napakaganda nito. Mayroon itong premiere night sa November 15 sa SM Megamall.
Sampung taon ko nang kilala si Julius. Hindi pa sila ikinakasal ni Tintin Bersola, kilala ko na ito. At sa panahong yon, nakita kong mabuti siyang tao. Tahimik lang at propesyonal. At higit sa lahat, ang nais lamang niya ay magtrabaho at makatulong.
Tulad na lamang nang lapitan ko siya para matutukan ng news department ng ABS-CBN ang kaso ng pinaslang kong pinsan sa Mindanao. Walang dalawang salita, inasikaso niya ang tiyahin at pinsan kong dumulog sa kanya. Ganito rin ang ginagawa ni Julius sa isang segment niya sa TV Patrol World.
Wala sa reputasyon ni Julius ang gumawa ng labag sa batas. Sana naman ay maghinay-hinay ang mga nag-aakusa kay Julius. Masakit ang mapagbintangan ka ng isang bagay na wala kang kinalaman.
At sa isyung idinadawit kay Julius, todo-suporta naman sa kanya ang ABS-CBN management. Agad na nagpalabas ng official statement ang ABS-CBN management para ipahayag ang kanilang suporta sa TV Patrol anchor na wala itong involvement sa isyu.
Sa totoo lang, mas marami ang naniniwala sa kredibilidad ni Julius kesa sa mga taong pilit siyang pinapabagsak. At kung isa man itong smear campaign laban kay Julius, tiyak na hindi ito magtatagumpay. Huwag ninyong isisi sa isang tao ang kawalan ng pangil ng ating batas sa terorismo.
Halos tapos na si Kris sa mga eksena niya. Sisimulan naman ni Claudine ang kanyang mga eksena. Kakaiba ang pelikulang Sukob dahil kuwento ito ng magkapatid na ikinasal ng parehong taon. At sa kanilang sari-sariling buhay, naganap ang mga di magagandang pangyayari.
Isa na naman itong obra ni Chito Roño, the same director who gave us the blockbuster movie Feng Shui.
At due to insistent public demand, mapapanood na sa mga sinehan ang Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros sa November 16. Ang Star Cinema ang magri-release nito.
Ang nasabing movie ay prodyus ni Raymond Lee at mula sa panulat ni Michiko Yamamoto at direksyon naman ni Auraeus Solito, isang premyadong direktor sa advertising world.
Sa mga nakapanood na ng movie, talaga raw napakaganda nito. Mayroon itong premiere night sa November 15 sa SM Megamall.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended