Hindi siya pwedeng kumain ng baboy dahil nagpapahina pala ito ng kanyang resistensya. Maaari siyang kumain ng isda, gulay o manok. Kahit latagan ito ng litson ay ni hindi niya ginagalaw kahit isang piraso ng malutong na balat.
Bawal din dito ang malamig na tubig dahil nagpapahina naman ng resistensiya sa tiyan. Kaya lagi itong may baong mineral water.
Kaya sa isang araw ay pwede itong magbawas ng timbang (10 lbs.) dahil sa dami ng mga activities na ginagawa gaya ng pagsasanay sa boxing, gymnastics, jogging sa umaga at marami pang iba.
Ano ang pangarap nito para sa dalawang anak na lalaki? Gusto ba niyang maging boksingero rin ang mga ito gaya niya?
"Kung talagang gusto nila ay pababayaan ko sila. Pero pagtatapusin ko muna sila ng pag-aaral. Pero kung ako ang masusunod, ayaw ko silang maging boksingero," aniya.
Victor, Nagtapos Ng College
Personal choice ni Direk Carlo Caparas si Victor Neri para maging kaaway ni Jericho Rosales sa Panday. Nagagalingan kasi siya pagdating sa pagiging kontrabida nito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Victor na malaking karangalan na mapasama siya sa Panday. Matagal-tagal na ring di siya gumagawa ng maaksyong fantaserye. May kaalaman din ito sa martial arts.
Tapos na pala ng Liberal Arts (History) ang aktor sa University of the Pacific. Naniniwala siyang hindi stable ang pag-aartista.
Kahit pagkahaba-haba ng prusisyon ay hindi kami napagod at naging magaan pa nga ang aming pakiramdam.
Nasaksihan namin ang ilang milagro ng Sto. Niño noong minsang idating ito sa aming bahay ilang taon nang nakalilipas para manggamot si Zeny at mga kasamahan. Sa maniwala kayo o hindi ay kakaibang bango ang naamoy ng lahat sa buong kabahayan namin gayung puro dahlia ang nakatanim sa aming hardin noon.
May ilan namang deboto nito na kaagad nawawala ang sakit ng ulo, tiyan o pagkahilo kapag pinahiran ng langis ng niyog na ginagawa nina Zeny.
May kapilya si Sto. Niño sa Maragondon na dinarayo ng mga tao.
Pinamagatang Wallace & Gromit (The Curse of the Were-Rabbit), ito ang pinakahihintay na first full-length feature ng napakasikat na tambalang nagmula sa England at unti-unting nakilala sa buong mundo sa loob ng 16 na taon.
Release sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Minsan ay kausap siya nang kausap sa isang kaibigan pero hindi napapansin ang suot niyang sapatos. Kaya gumawa ito nang paraan para mapansin ang sapatos niya sa pamamagitan ng madalas na pagyuko at pagtingin sa kanyang sapatos.
Hanggang mapansin ito ng kausap.
"Ay salamat, napansin din ang sapatos ko," sabi ng actress-TV host.