Isang maipagkakapuring tenor si Jon Joven na nagsimula ng kanyang career bilang myembro (Thursday edition) ng Thats Entertainment. Isang sorpresa sa kanyang mga kasamahan sa Thats... ang pagkakapasok niya sa musical stage. Hindi sukat akalain ng lahat na magiging isa siyang mahusay na singer, isa sa maituturing na pinaka-mahusay sa kanyang henerasyon ngayon.
Ginagampanan niya ang role ni Crisostomo Ibarra sa musical nina Ryan Cayabyab at Bienvenido Lumbera, ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Mapapanood ito sa Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater) sa Nobyembre 11, 12, 18, 19, Disyembre 2 at 3, 8NG at Nob. 12, 13, 19, 20, Disyembre 3 at 4, 3NH.
Makakasama ni Jon Joven sa nasabing palabas sina Arnold Reyes, Angela Bayani, Lena McKenzie, Princess Virtudazo at marami pang iba. Direksyon ni Paul Morales, musical direction ni Jed Belsamo, choreography ni Bunny Brendia.
Maaaring tumawag sa Tanghalang Pilipino 8323661/8321125 loc. 1620/1621/ 0920 9535419 at Ticketworld 8919999.
Sila ang DFreemales, inilunsad nung Oktubre 17, 2004 at mayrong 13 myembro. Nasa pangangalaga sila ni Josh Valdez, myembro ng grupong Big Men, isa pa ring popular na dance group. Si Josh din ang choreographer ng grupo.
Isa pa ring nag-aalaga sa grupo ay ang hair and make-up icon na si Bambbi Fuentes, ang D Freemales din ang mga image models ng salon ni Bambbi.
Ang DFreemales ay binubuo nina Ronnie Peralta (57"), John Rickson Duhig (59"), Ronald Remogat (59"), Randy Tayco (58"), Ramir Novela (57"), Carlo Sagun (57"), Brix Gamboa (59"), Jayson Busa (59"), Allan Imbat (57"), Robby Escano (59"), Jojo Perez (58"), Teejay Bundalian (510") at Harry Bernal (59).
Ang grupo ay binubuo nina Rey Nunez (vocals/rhythm guitar/keyboards), Voltaire Gumban (drums), Jan-Michael Gonzales (acoustic/electric/bass guitar) at Rod Mijares (lead guitar).
Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Huwag Na Lang", "I Know I Know", "Hey Listen", "Hindi Ito Love Song", "Mukha Mo", "Ikaw Lang", "Ngingiti Lamang" at marami pang iba.