Malaki ang plano ni Mr. Felipe Gozon, President, CEO and Chairman ng GMA 7 sa nasabing additional free channel.
Pero hindi naman sila natatakot na mababawasan ang viewers nila sa GMA 7 dahil iba ang mga naka-line up nilang programs kumpara sa programa nila sa GMA 7.
More on kababaihan ang target nilang audience. Yung viewers na hindi gaanong nanonood ng TV.
Ginanap ang preparatory informal meeting and press conference sa residence ni Mme. Chito Madrigal Collantes in North Forbes Park para sa nasabing annual event.
Katulad ng mga nakaraang taon, naka-ready na ang lahat para sa 38th international fair on November 20, Sunday at the World Trade Center sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Taun-taon inaabangan ang international fair ng mga pre-Christmas shoppers dahil sobrang bagsak presyo ang mga items na mabibili rito.
Native products ng various countries kung saan ang mga embassies and consulates na nagpapa-participate na sale at give-aways ang prices ng mga items.
Pero hindi lang naman lahat imported ang mabibili. Marami ring local products na ibebenta.
Ang nasabing bazaar ay isinasagawa to raise funds para sa IBFs social cause and charitable projects ayon kay Mrs. Nene Leonor, chairperson, committee on publicity and public relations during the media launch.
Ang nasabing affair, hosted by Mrs. Susie Ortigas and Mrs. Chito Madrigal-Collantes, wife ni former Foreign Affairs Secretary Manuel Collantes, ay nakita na ang ilan sa mga national goods and products ng various foreign missions sa bansa na ibebenta sa during the bazaar.
Ang kikitain ng International Bazaar ay mapupunta sa scholarship program at iba pang humanitarian projects ng IBF.
Ang IBF ay nagbibigay ng material donations to welfare homes, poorly equipped hospitals and barangay schools. Kasama rin sa kanilang proyekto ang pagpo-promote ng livelihood projects para sa mga mahihirap na pamilya at depressed communities. Dagdag pa rito ang arrangement ng IBF sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para magbigay ng training sa mga karapat-dapat na kabataan para makapag-aral ng new skills in different trades na maari nilang gamitin para magkaroon ng trabaho.
Kasama sa structure ng IBF ang tatlong major committees na binuo para tumulong para sa pagpapatupad ng ibat ibang project: Committee on Education, Committee on Educations and Medical Committee.
Kaya nga ang sabi ni Tita Ethel, magi-enjoy ka na sa pagsa-shopping ng early para sa Pasko, nakatulong ka pa.
Ang 38th International Bazaar 2005 ay may entrance fee na P50.00.
Kasama ng IBF sa project na ito ang Department of Foreign Affairs in coordination ng Diplomatic and Consular Corps.
Kasama kasi ni Alma sina Gerald Madrid and Daboy sa nasabing biyahe. Kaya nong kinakausap daw ito ng Immigration officer, say daw nito: "Gerald is my boyfriend. This is my ex-husband (referring to Rudy) and my kids from my ex husband (referring to Joey Marquez)."
Oh di ba classic?
Wala talaga siyang kupas.
Samantala, ayaw magsalita ni Kuya Germs Moreno tungkol sa kasong kinasasangkutan nina Robby at Joed. Parehong produkto ng Thats Entertainment ang dalawang starlet na show promoter na ngayon sa Japan.
Anyway, napanood ko si Joey Marquez sa S Files at ramdam mo talagang malaki ang galit nito kina Robby at Joed dahil sa trauma na inabot ng dalawang anak nila ni Alma.