Sa dubbing nahirapan si Ryan dahil bukod sa mabilis siyang magsalitay nag-adlib pa siya sa kanyang lines. Kaya raw pala, he was advised to take it easy with his adlib dahil sa dubbing pero, huli na ang lahat. Nahihiya nitong inaming yung two hours niyang scheduled dubbing ay inabot ng five hours.
Sinamahan din ni Judy Ann si Ryan sa Golden Dove Award kung saan nanalo itong Best Magazine Talk Show Host for Y Speak, at tinalo si Boy Abunda. Mukhang seryoso na ang kanilang relasyon na nagsimula sa Krystala at kaya, mga pangalan nila sa nasabing serye sa ABS-CBN ang isa sa kanilang terms of endearment. Tala ang tawag ng binata sa actress at Miguel naman ang tawag nito sa kanya.
But as a whole, maganda ang experience ni Ryan sa kanyang first movie and for sure, hindi ang Kutob ang first and last movie niya. Sasama siya sa parada ng Metro Manila Film Festival sa December 24 at sa opening ng filmfest sa Dec. 25, isasama niya ang buo niyang pamilya para manood ng pelikula. Im sure, isasama niya si Judy Ann.
Masarap kausap ang bagets dahil articulate. She auditioned for the show dahil gusto niyang maging host. Between her mom and dad, mas nahirapan siyang magpaalam sa ama na papasukin niya ang TV. Umiyak siya para lang payagan at nag-promise na hindi pababayaan ang studies (second year high school siya sa OB Montessori sa Greenhills).
Ayaw mag-comment noong una pero, sinagot din ni Inah ng tanong namin sa gulo ng kanyang mga magulang. Wala raw siyang kinakampihan kina Janice at John at umaasa siyang magkakaayos ang dalawa gaya ng sinabi sa kanya.
Tanggap ni Inah ang karelasyon ng ina at mabait daw ang guy (dont worry Janice, hindi binanggit ni Inah ang name ng boyfriend mo). Ang alam nitoy two years na ang relationship ng mom niya sa bf nito.
Kasama ni Inah na magho-hosts ng Candies sina Wynwin Marquez (ang magandang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez at si Alynna Asistio (eldest ni Nadia Montenegro). Magkakaibigan ang tatlo bago pa sila kuning mag-host ng show kaya, agad silang nag-jive.