In-demand ang dalawa sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Malamang na sa January ito manganganak at kung tumapat ito sa petsa ng 23 ay anibersaryo pa ng kanilang kasal.
On diet na si Gladys at di umiinom ng softdrinks kundi mango, orange juice at prutas kaya flawless ang beauty.
Tuloy pa rin ito sa kanyang trabaho kung saan nagti-taping ito tuwing Martes para sa Bahay Mo Ba To!
Naging guests sina Aiza Seguerra na super galing kumanta at well-applauded ang kanyang "Ipagpatawad Mo". Break na yata sila ng kanyang girlfriend kaya masyadong madamdamin ang pagkakaawit nito.
Seksing-seksi si Ara Mina sa kanyang black gown kaya nakatutok ang mga kalalakihan sa kanyang cleavage habang inaawit ang medley ng Carpenters. Mahusay din pala siyang kumanta sa saliw ng banda.
Nagbigay ng sigla ang mga green jokes (as usual) ni Rico J. Puno kung saan kinanta ang "Kapalaran," "Macho Guwapito" at isa pang hit song kung saan pinasabay ang audience dahil sabi nga ng katabi ko ay kinakapos na rin ng paghinga si Rico kapag mataas ang tono. Pero siya pa rin ang Total Performer at wala nang tatalo sa kanya.
Maganda ang kabuuan ng show ni Richard at nanood din sina Kuya Germs, John Nite at kaibigang si Raymond Lauchengco.
Pasasalamat:
Huli man daw at magaling naihahabol din... Salamat sa mga kasamahan ko sa Soroptimist International Dasma-Salcedo Club lalo na na kay President elect-Aida Tieng sa magandang regalong ibinigay sa kaarawan ko.