2 male singers, nagkaron ng anak!
November 1, 2005 | 12:00am
Balitang hanggang ngayon may relasyon pa ang dalawang male singers at lalong nagiging matibay ang kanilang pagsasama ngayong nag-ampon sila ng batang babae. Halinhinan sila sa pag-aalaga ng cute na bata. Hindi lang malaman kung sino sa dalawang singer ang bading pero ang mahalaga raw, masaya sila sa kanilang relasyon lalo na ngayon at mayroon na silang anak.
In-demand ang dalawa sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Pitong buwan na ang dinadala sa sinapupunan ni Gladys Reyes. At maganda pa rin ito kahit lalaki ang magiging anak niya. Lalagyan ng Kristoff ang unang pangalan ng magiging anak nila. Excited na rin si Christopher Roxas sa pagdating ng kanilang baby.
Malamang na sa January ito manganganak at kung tumapat ito sa petsa ng 23 ay anibersaryo pa ng kanilang kasal.
On diet na si Gladys at di umiinom ng softdrinks kundi mango, orange juice at prutas kaya flawless ang beauty.
Tuloy pa rin ito sa kanyang trabaho kung saan nagti-taping ito tuwing Martes para sa Bahay Mo Ba To!
Naimbitahan kami sa concert ng At Long Last... Richard Reynoso. Inawit nito ang mga awiting pinasikat ng Bee Gees at ng paboritong si Lionel Richie. Hindi pa rin nagbabago ang timbre ng boses ni Richard at hindi ito lumaylay sa rami ng kinanta. Malilimutan ba ang kanyang "Hindi Ko Kaya" at "Paminsan-Minsan" na naging hit songs? Maganda rin ang sense of humor nito kaya maraming nagsasabi na sanay magkaroon pa ito ng maraming shows.
Naging guests sina Aiza Seguerra na super galing kumanta at well-applauded ang kanyang "Ipagpatawad Mo". Break na yata sila ng kanyang girlfriend kaya masyadong madamdamin ang pagkakaawit nito.
Seksing-seksi si Ara Mina sa kanyang black gown kaya nakatutok ang mga kalalakihan sa kanyang cleavage habang inaawit ang medley ng Carpenters. Mahusay din pala siyang kumanta sa saliw ng banda.
Nagbigay ng sigla ang mga green jokes (as usual) ni Rico J. Puno kung saan kinanta ang "Kapalaran," "Macho Guwapito" at isa pang hit song kung saan pinasabay ang audience dahil sabi nga ng katabi ko ay kinakapos na rin ng paghinga si Rico kapag mataas ang tono. Pero siya pa rin ang Total Performer at wala nang tatalo sa kanya.
Maganda ang kabuuan ng show ni Richard at nanood din sina Kuya Germs, John Nite at kaibigang si Raymond Lauchengco.
Nagtataka ako sa balitang nagkakalabuan na o nagkakalamigan na sina Dingdong Dantes at Karylle. Sweet na sweet pa rin ang dalawa nang makita namin sa set ng Encantadia kung saan magka-holding hands pa sila.
Pasasalamat:
Huli man daw at magaling naihahabol din... Salamat sa mga kasamahan ko sa Soroptimist International Dasma-Salcedo Club lalo na na kay President elect-Aida Tieng sa magandang regalong ibinigay sa kaarawan ko.
In-demand ang dalawa sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Malamang na sa January ito manganganak at kung tumapat ito sa petsa ng 23 ay anibersaryo pa ng kanilang kasal.
On diet na si Gladys at di umiinom ng softdrinks kundi mango, orange juice at prutas kaya flawless ang beauty.
Tuloy pa rin ito sa kanyang trabaho kung saan nagti-taping ito tuwing Martes para sa Bahay Mo Ba To!
Naging guests sina Aiza Seguerra na super galing kumanta at well-applauded ang kanyang "Ipagpatawad Mo". Break na yata sila ng kanyang girlfriend kaya masyadong madamdamin ang pagkakaawit nito.
Seksing-seksi si Ara Mina sa kanyang black gown kaya nakatutok ang mga kalalakihan sa kanyang cleavage habang inaawit ang medley ng Carpenters. Mahusay din pala siyang kumanta sa saliw ng banda.
Nagbigay ng sigla ang mga green jokes (as usual) ni Rico J. Puno kung saan kinanta ang "Kapalaran," "Macho Guwapito" at isa pang hit song kung saan pinasabay ang audience dahil sabi nga ng katabi ko ay kinakapos na rin ng paghinga si Rico kapag mataas ang tono. Pero siya pa rin ang Total Performer at wala nang tatalo sa kanya.
Maganda ang kabuuan ng show ni Richard at nanood din sina Kuya Germs, John Nite at kaibigang si Raymond Lauchengco.
Pasasalamat:
Huli man daw at magaling naihahabol din... Salamat sa mga kasamahan ko sa Soroptimist International Dasma-Salcedo Club lalo na na kay President elect-Aida Tieng sa magandang regalong ibinigay sa kaarawan ko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended