Pinangungunahan nina Zsazsa Padilla, Cherry Pie Picache at Rufa Mae Quinto ang pelikula ng tungkol sa tatlong babae na pawang nagsasabing asawa sila ng mayamang Tsinong si Elton Chong (Jay Manalo).
Maligayang namumuhay ang mag-asawang Chona Chong (Zsazsa) at Elton kasama ang kanilang tatlong anak (John Prats, Julianne Lee at Ella Guevara) nang marinig ni Chona na may affair ito sa isang brainy Visayan Chinese na si Patty (Cherry Pie). May isa silang anak (JC de Vera). Binalak niyang komprontahin si Patty pero, bago niya ito nagawa ay nadiskubre niya na may isa pang mistress (Rufa Mae) si Elton.
Magulo? Parang, pero, ang sigurado nakatutuwa ito lalo na nang magladlad na ng saya ang anak na lalaki ni Chona kay Elton na si Hamilton ( John). Sa takot ni Chona na ang gawing heredero ng Tsinoy ay ang anak nitong lalaki kay Patty na si Nixon (JC), minabuti ni Chona na gawing lalaki ang anak. Pina-date niya ito sa seksing si Trixia (Bianca King).
Sino sa talo ang legal na asawa ni Elton? Ito kaya ang piliin at samahan niya sa huli?
Laman ng album ang "The Joys of Healing" at "Walang Kasingsaya" ng the Company, "What Will I Do My Lord" ni Erik Santos, "My God and Me" ni Ima Castro, "Only God" ni Kim Flores, "The Best Day of My LIfe" ni Andrei Castillo, "Hope" ni Gretchen Barretto, "Most of All" ni Aiai delas Alas, "I Said A Prayer For You" ni Ayen Munji-Laurel, "Thank You For The Good Life" ni Calvin Millado, "All My Love" ni Boy Abunda at "Similar Journey" ni Raymond Bagatsing.