Sana, isa kina Mang Dolphy at Michael V. ang manalo sa awards ceremony na gagawin sa University Cultural Centre ng National Universtiy of Singapore sa December 1. Abay, hindi matatawaran ang husay sa comedy ng dalawa, hindi ba?
Inamin ni Carlo na ang minsang pagbaling ng puso sa ibang babae ang rason nang break-up nila ni Angelica. Hindi rin nito masisi si Angelica kung nag-entertain ng ibang suitors habang off sila.
"Subok lang naman yung panliligaw ko sa ibang girls. But, Im cured now, nagpa-rehab na ako at mabait na ako," banggit nito. Sana, hindi mag-react yung bold star na na-link kay Carlo sa sinabi nitong hindi niya pinanghihinayangan na hindi naging sila.
Nang ibalita ni LJ na cover siya ng November issue ng Meg Magazine, nagbiro si CJ na magko-cover naman siya ng FHM. Nang tanungin namin si LJ kung okey lang ipareha sa iba si Mike, humirit nang panunukso si CJ. Hindi raw okey kay LJ and in fact, nagseselos ito na ipinag-blush ni LJ at ikinatawa ni Mike. Pati yung billboard ni LJ sa may Boni, pinagtripan ni CJ, sobrang laki raw, samantalang yung billboard nila ni Ryza Cenon ay inalis na.
Napagkikita pala si LJ sa St. Francis Square Tiangge. Hindi siya namimili kundi, tinutulungan ang kapatid niyang si Lorraine na bantayan ang stall nito. After her classes from La Salle at pag walang taping, nasa SFST ito. Nasa second floor daw ang fashion and accessories stall ng ate ni LJ at madali itong makita pag naroon si LJ.
Sabi kasi ng singer-actress, scripted ang sweetness na ipinakita nila at para lang sa viewers. Madi-disappoint tiyak ang fans ng dalawa na tuwang-tuwa pa naman nang mapanood ang eksenang yun. Inisip nilang start na yun para magkabalikan ang favorite loveteam nila. Pero, mukhang matagal pa ang kanilang ipaghihintay dahil as of now, puro scripted ang lambingang makikita sa kanila.