^

PSN Showbiz

Richard, patok sa LA Screamfest

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kadarating lang ni Richard Gutierrez mula sa Los Angeles kung saan dumalo ito sa Scream Festival kasama sina Yam Laranas at Iza Calzado.

Masayang ibinalita ng guwapong aktor na nanalo ang Sigaw sa Sound at Music Category. Ang nabanggit na pelikula ang tanging nakapasok na entry bilang horror film mula sa Asian countries.

Pinagkaguluhan si Richard ng mga reporter dun at nainterbyu pa kaya proud ito sa pagkapanalo ng kanilang pelikula.

Sa kabilang banda, pinabulaanan nito ang balitang ipu-pull out sila ng kanyang ina sa GMA 7. Ayon sa aktor, never itong mangyayari dahil happy siya sa Siete at may kontrata ito sa GMA Artist Center. Bukod sa Sugo ay abala rin ito sa syuting ng Mulawin: The Movie na entry ng GMA sa darating na Metro Manila Film Festival.
Nag-Enjoy Kay Gary Lewis
Kahit mayroon akong commitment noong Biyernes ay di ko pinalampas ang concert ni Gary Lewis and the Playboys na talagang paborito ko noong nag-aaral pa ako. Memoryado ko ang mga awitin nitong "Sealed With A Kiss? at "Save Your Heart For Me".

Bagama’t namamaos ito ay puno ng sigla ang kanyang pag-awit at enjoy ang mga manonood na sumasabay sa kanyang pag-awit.

Ipinakita sa monitor noong 4-years old si Gary habang kasama at kausap ng amang si Jerry Lewis sa isang performance noon ng sikat na komedyante.

Nakakataba ng puso nang sabihin ni Gary na mahal niya ang Pilipinas at lagi siyang nagi-enjoy kapag nandito dahil sa pagiging mainit ng mga Pinoy sa pagtanggap sa kanya bukod pa sa masasarap na pagkain. Huwag ding kalimutan na Pinay ang naging asawa nito-si Jinky Suzara.
Blind Item: Magulong Kausap
Hindi talaga maintindihan ng mga press people ang pinagsasabi ng seksing aktres habang iniinterbyu ito tungkol sa isang dramatic actor na nali-link sa kanya.

Inamin nito na mag-MU lang sila pero wala silang relasyon. O di ba, nakakalito? Magkaibigan lang daw sila pero nanonood sila ng sine at madalas magpunta sa kanyang condo ang multi-awarded na aktor.

Sabi pa nito, "Wala akong paki, kesehodang may anak na siya at asawa. Hindi naman sila kasal. Ang mahalaga, nagmamahalan kami," aniya.

Sabi nga ng mga press people, nakakalokah ang sexy actress dahil magulo itong kausap.

ARTIST CENTER

BLIND ITEM

GARY LEWIS AND THE PLAYBOYS

IZA CALZADO

JERRY LEWIS

JINKY SUZARA

LOS ANGELES

MAGULONG KAUSAP

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with