Wag sanang maapektuhan ang career nina Mark at Jennylyn
October 31, 2005 | 12:00am
Hindi pa rin matapos ang galit-bating drama nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Hiling ko lang sa kanilang pagkakagalit ay hindi maapektuhan ang kanilang career.
Simula na ngayong buwan ng November ang QTV o Channel 11.
Sisimulan sa istasyong ito ang mga programang para sa kababaihan. Marami na ang mga nakapilang palabas.
Magbubukas ang Channel 11 ng mas maraming oportunidad sa mga baguhan at beterano ng artista natin na wala ngayong trabaho dahil sa matumal na takbo ng ating industriya.
Ang hangarin ng QTV ay magkaroon ng palabas na may magagandang values at mai-enjoy ng bawat manonood partikular na ng kababaihan.
Napanood nyo ba nung Sabado sa Master Showman.. Walang Tulugan ang one on one interview namin ni Sharon Cuneta?
Salamat kay Shawie dahil ginawan talaga nila ng paraan na dumaan sa show sa kabila ng hectic na schedule niya. Hindi na nga niya nagawang kumanta.
Nabanggit ni Shawie sa interview na lalabas na naman siya ng bansa upang mag-show sa ibat ibang lugar sa Amerika.
Mapipigilan ba natin ang kasipagan ni Sharon. Kilala naman natin si Shawie kapag umandar ang adrenalin niya, tuluy-tuloy na. Sa taong 2006, marami rin siyang nakatakdang gawin kasama na ang pagbabalik niya sa TV.
Pinoproblema na lang ni Shawie ang kanyang timbang. Hindi raw kasi niya napigilan ang hilig niyang kumain bagamat nagsa-South Beach Diet naman siya.
Congrats kay Vina Morales sa katatapos niyang concerts. Nagulat ang mga audience sa pinakitang showmanship ni Vina.
Tuwang-tuwa ang mga nanood ng kanyang show dahil sulit ang kanilang bayad.
Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa isyu sa pagitan nina Rudy Fernandez at Robby Tarroza.
Sa totoo lang, mahirap sagutin ang tanong na iyan. Una, parehong galing sa Thats Entertainment sina Robby at Joed Serrano. Kaibigan at kasama na nating matagal na si Rudy bilang dating president ng KAPPT.
Wala akong pinapanigan sa kanilang tatlo. Ang sa akin lang ay kailangan nilang sila mismo ang magharap at mag-usap sa tamang lugar at tamang oras.
Magpaliwanagan silang mabuti. Makinig sa bawat ipapaliwanag ng isat isa. Kailangan nilang magkita sa gitna. At kung talagang may pagkakamali ang isa sa kanila, abay dapat lamang na sila magkasundo para sa ikatatahimik ng lahat.
Sisimulan sa istasyong ito ang mga programang para sa kababaihan. Marami na ang mga nakapilang palabas.
Magbubukas ang Channel 11 ng mas maraming oportunidad sa mga baguhan at beterano ng artista natin na wala ngayong trabaho dahil sa matumal na takbo ng ating industriya.
Ang hangarin ng QTV ay magkaroon ng palabas na may magagandang values at mai-enjoy ng bawat manonood partikular na ng kababaihan.
Salamat kay Shawie dahil ginawan talaga nila ng paraan na dumaan sa show sa kabila ng hectic na schedule niya. Hindi na nga niya nagawang kumanta.
Nabanggit ni Shawie sa interview na lalabas na naman siya ng bansa upang mag-show sa ibat ibang lugar sa Amerika.
Mapipigilan ba natin ang kasipagan ni Sharon. Kilala naman natin si Shawie kapag umandar ang adrenalin niya, tuluy-tuloy na. Sa taong 2006, marami rin siyang nakatakdang gawin kasama na ang pagbabalik niya sa TV.
Pinoproblema na lang ni Shawie ang kanyang timbang. Hindi raw kasi niya napigilan ang hilig niyang kumain bagamat nagsa-South Beach Diet naman siya.
Tuwang-tuwa ang mga nanood ng kanyang show dahil sulit ang kanilang bayad.
Sa totoo lang, mahirap sagutin ang tanong na iyan. Una, parehong galing sa Thats Entertainment sina Robby at Joed Serrano. Kaibigan at kasama na nating matagal na si Rudy bilang dating president ng KAPPT.
Wala akong pinapanigan sa kanilang tatlo. Ang sa akin lang ay kailangan nilang sila mismo ang magharap at mag-usap sa tamang lugar at tamang oras.
Magpaliwanagan silang mabuti. Makinig sa bawat ipapaliwanag ng isat isa. Kailangan nilang magkita sa gitna. At kung talagang may pagkakamali ang isa sa kanila, abay dapat lamang na sila magkasundo para sa ikatatahimik ng lahat.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended